Dealing with my child aggressive playmate !!

Hello mga mie, palabas ng sama ng loob. Meron akong anak na 4 yrs old, and madalas na nakakalaro nya is mas matanda sa kanya ng 2-3 yrs or more. Itong anak ko hindi pa marunong makipag away or mang away. Sya lagi inaaway ng kalaro nya. Since baby na baby pa ung anak ko, at wala pa syang kapatid at sya lang ang bata sa bahay namin kaya sabik sya sa kalaro. May mga nakakasundo naman syang kalaro nya. Sa totoo lang halos lahat naman ng kalaro nya kasundo nya. Kaso may iilan talaga na bata na hindi. So eto na nga. May isang kalaro tong anak ko na lagi syang sinasaktan. Like sinasampal, tinutulak, pinipingot, tas kinukuha ung gamit nya like toys. Tas tinatapon sa kung saan², ilang beses kona rin na aktohan na ganun ginagawa nya. Sinasaway ko naman kaso hindi naman nakikinig. Sinusumbong ko rin sa kamag anak nya. Kaso mamaya lang ayan nanaman. Nai stress ako kasi minsan na nga lang lumabas ung anak ko tas ganun pa. Parang walang kalayaan ung anak ko na makapag laro ng matiwasay sa labas ng bahay namin. Tas nang aagaw pa ng laruan kung ano makita na hawak ng anak ko gusto nya kukuhain nya. Like yung scooter, bike, bola. Kinakausap ko yung anak ko, na kapag inaway sya physically awayin din nya. At wag na makipag laro sa bata nayun. Kaso masyado pa maliit ung anak ko para maintindihan yun at yung bata talaga yung nalapit sa anak ko. Sa totoo lang ilang beses na napuruhan ung anak ko sa kanya. 1 time naglalaro sila. Tinulak nya ung anak ko sa hagdan, hindi ko nakita pero ung mismong pinsan ang nag sumbong, 3 step lang naman na hagdan akala ko normal na galos lang natamo ng anak ko dahil mababa lang naman. Kinagabihan pinaliguan ko yung anak ko. Ang dami palang natamo na galos at ang lalalim pa. Sa Likod, sa ilalim ng kili kili, sa balakang at sa binti. Aminado naman ako na hindi 24/7 eh nakatutok yung mata ko sa anak ko dahil may mga ginagawa rin akong gawaing bahay. pero tiwala naman ako maglaro ung anak ko sa labas ng bahay namin kasi skinita naman bago lumabas sa pinaka kalsada. Hindi kona alam gagawin ko minsan ung anak kopa ung napapalo ko sa inis ko kahit wala naman kasalanan. Tsaka madalang kona lang pinapalabas ung anak ko dahil nga ganyan ung nangyayari. Nakakaawa lang yung anak ko na gusto lang naman mag laro sa labas kaso inaaway naman.

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hello. Mabuti pang isumbong niyo na sa nanay mismo at ipakita yung pinsala na dulot ng anak niya, pero kung walang gagawin ang nanay at kakampihan ang anak niya, Wag niyo na po siya palaruin sa labas yung anak niyo kung hindi niyo po mababantayan. O di naman, magtawag na lang kayo ng ibang bata na gustong makipaglaro dyan sa loob ng bahay niyo. Nakakatakot po kasi yung ganong bata, kawawa lang anak mo. May pinsan ako nuong bata siya, naglaro sila ng maliit ng kutsilyo na medyo makapal lang ng konti sa blade, ayun tadtad ng slice yung bata, late na nila nakita nung umiiyak na yung bata. Nakakatakot po yung ganon na nanunulak, may natulak rin na bata na kapitbahay namin, akala nila okay lang yung bata, yun pala nag internal bleeding, namatay. Di na baleng mabored at manawa siya maglaro sa loob ng bahay, wag lang siya masaktan sa labas. Kasi kung lagi siyang nasasaktan siya sa labas di na rin niya yan mae-enjoy ang paglalaro.

Magbasa pa
2y ago

Since wala naman po paki yung kamag anak, iiwas niyo na lang po sa bata na yun lalo kung hindi niyo po mabantayan. Or yayain maglaro sa loob ng bahy niyo yung ibang bata.

Sa mga ganito, nilapit nyo na po pala sa kamag anak di parin nasabihan o napag bawalan, mami pag nag lalaro sa labas si baby dun ka lang sa tabi nya or mas malapit sa knya. Para mababantayan mo, ng di sya masaktan. Ang hirap kasi ikulong lang sa bahay mga lo natin just because may mga ganyang bata. Kawawa naman kung ipapasok mo nalang sa inyo, syempre lalong masasabik lumabas yan. Para iwas away kapitbahay, dun ka nalang po sa tabi nya. or mas malapit sa knya. Pag nasaktuhan mo na andon yung bata at yung kamag anak, let them know pa rin kung anong ginagawa ng bata na yon sa baby mo. Atleast nireremind mo sila, sila na mag sasawa kakapakinig sa reklamo mo tapos malay mo may gawin na sila at the end. haha pero ayon bantayan mo nalang mi. 💗 Pero kung ako yan? hhaahaahhahaha ay anteh gulo to. hahahaha charot.

Magbasa pa

same po. one time nabato pa nga ng bubog. mi hayaan mo po.ma experience nya ren yan para alam nya kung ano gagawen nya. hikayatin mo din po ung ibnag kids na wag muna nila isali ung bully para matuto and kausapin mo ung tatay kaso usually mga batang ganyan wala paki talaga ung magulang at kawawa din sila dahil usually nabubugbog pa. ur son will know what to do pag ganyan na sitwasyon. kung makakalusot kayo try nyo din e compronta ung bata na bully wag lang papahuli sa matanda at sasabihin pumapatol ka sa bata

Magbasa pa

Kung ako nasa sitwasyon mo mhie babantayan ko anak ko pag nakipag laro don tapos pag nakita kong inaway sya mismo nung batang un tatakutin ko ung bata hanggat umiyak para madala ganyan ginagawa ko sa mga nang aaway na kalaro ng anak ko minsan sinasabi ko pa kumakain ako ng bata o kaya pinapatulan ko din ung bata ksi di nmn madadala or makikinig yan kung pag sasabihan mo lang minsan kelangan mo rin takutin wla akong pakelam if magsumbong siya sa magulang niya

Magbasa pa

Ay mamsh kung sa anak ko yan ginawa baka di ako makapagtimpi talaga. Kaya ayoko palalabasin anak ko ayoko may umaway sa kanya na ganyan dahil pag dating sa anak ko di ako nakakapagtimpi. Mas okay pakong nakakulong sa bahay anak ko tas mga pinsan lang ang kalaro kesa makakasalamuha pa sa ibang tao. pag mga pinsan kasi or mga kapamilya na bata lang ang kalaro mas madaling pagsabihan at isumbong sa magulang

Magbasa pa

same din dito sa amin my, kung hindi lang talaga ako naawa sa anak ko na gustong gusto nyang makipaglaro sa labas my hindi ko talaga sya papalabasin, kaso yung kalaro pa nya yung nag yaya sa kanya na lumabas ng bahay at mag laro ang ending apiapihin lang sya. nakaka inis, stress na stress nga ako sa mga bata dto dahil mga walang boot

Magbasa pa

same mi. sarap pumatol sa bata kpag nakikita mong inaapi ung anak mo. kaya nd ko na pinaplabas anak ko kpag nasa labas ung bata.

2y ago

sobra mie, kung pwede lang pumatol sa bata pinatolan kona. nakaka stress. hindi madala sa isang salita kahit pagalitan mo hindi nakikinig.