postpartum
Hi mga mommies. Sana wala po mag bash. Kailangan ko lang po talaga ng help ??? hindi kasi naniniwala nanay ko sa depression. Tingin niya pag may ganun ka baliw ka na. ?kaya nahihirapan ako mag open at mag sabi ng nararamdaman ko ? ano po ba mga ginagawa niyo para di niyo ma feel na parang sasabog ka na talaga na halos masasaktan mo na sarili mo ? #newMommy #4monthsPOSTPARTUM
Ako mamsh pinag aaralan ko behavior ni baby .. kung kelan gising. Tulog. Dodo. Poop and playtime nya . Para makapagsched ako ng maayos at makagawa ng ibang mga bagay na ikalilibang ko. Dapat meron tayong "me time" kahit saglit lang. Na ssched ko ng maayos araw araw ang linis ng bahay. Luto at laba. Syempre with the help of my family. Nakakapagtanim pa ko ng mga vegies. Nagpepaint din ako. Seller din ako online (frozen products na sariling gawa ko at mga diaper). 😊 Nagagawa ko lahat yan pag tulog si baby .. o pag busog sya at okay ang mood naglalaro lang sya sa kama habang nag oonline selling ako. Sanay kasi sya nakalapag lang. Nagpapabuhat din naman sya lalo na kapag mainit ang panahon. Kapag kulang oras ko . Pinapaalagaan ko sya ng konting minuto lang naman sa family ko. Basta 24/7 kasama ko sya kelangan lagi ko sya nakikita kahit may ginagawa ako. Eto lang laging nasa isip ko. Be a good mom Happy dapat si baby Sa mga ginagawa ko na yan sis di ko naiisip mabugnot. Naiisip ko after ng mga ginagawa ko may gulay akong aanihin. May painting akong ididisplay. May kita akong ipambibili ng needs ni baby 😊 at nakakahappy yon para sakin .. Ikaw din. Try to analyze kung anu pang kaya mo 😊 kaya mo yan.
Magbasa paAlam mo sis mahirap kalaban yan. Ginagawa ko pag nasosobrahan ako magisip lalo na pag negative o bigla bigla nalang ako maiinis, malulungkot o sabihan ng kung ano ano tapos magagalit na ko, nagoopen lang ako kay mister ko. Pag wala siya iniiyak ko lang at sinasabi lahat kay GOD. Kinakausap ko baby ko. Tapos nakakatulong talaga yong napaka maintindihin ng asawa mo. Siya lagi nagsasabi saken na tiwala lang tayo sa kanya, kaya naten to. Kaya lahat ng worries ko pati problema (ewan ko kung problema ba talaga) nawawala. Unti unti gumagaan pakiramdam ko. Pag naiyak mo siya, pag nalabas mo lahat ng pangamba mo gagaan e. Ewan ko kung pano pero kelangan siguro may matibay kang pundasyon at pinanghahawakan para malampasan mo yan. At kung wala naman dapat matibay ang isip mo na kaya mo to, malalampasan ko to para sa anak ko. Kasi tayo lang din tatalo sa sarili nating isip e, the more na nagpapa-apekto tayo the more na lalala sitwasyon naten. Lalo na pag umabot na sa point na nananakit na di lang sa salita, kundi phisically. Sa sarili mo o ibang tao o sarili mong anak mas mahirap yon. Kaya tatagan mo isip mo at kapit ka lang kay god. Issurrender mo lahat ng problema at worries mo sa kanya promise nakakagaan sa dibdib.
Magbasa paGo momsh. Iiyak mo lang yan para kahit papaano maibsan ang nararamdaman mo, lumabas ka sandali sa bahay magpahangin kung gusto mo isigaw mo na din para mawala naman kahit papano yung parang nakabara sa dibdib mo. Pray lang momsh at kelangan mong patatagin ang sarili mo at sabihing "laban lang kelangan akk ng/mga anak ko". Walang ibang magkakaintindihan kundi tayong mga bagong panganak lang dahil di naman ito nararamdaman ng mga asawa natin kaya kung minsan ay di sila naniniwala at di tayo naiintindihan. Sasabihan pa tayo ng nag-iinarte lang. Kawawa kasi ang mga anak natin kung di tayo lalaban. Kung nakakaramdam tayo ng PPD para na rin kasi tayong sinasapian ng bad spirit kaya kung ano ano ang pumapasok sa isip natin kaya di natin namamalayan nadadamay na pala si baby at hahantong sa kamatayan.
Magbasa paSame tayo momsh 1 month na lo ko nung mga linggo pa lang siya as in lagi akong naiyak gabi gabi sabayan pa ng hindi ako tinutulungan magbantay nang baby ng husband ko yung feeling na parang gusto mo na lang mawala kasi iniisip mo na parang ikaw lang yung nagaasikaso magbantay at magalaga sa baby mo tapos yung husband mo puro laro lang ginagawa di man lang makaramdam na kailangan mo ng tulong sa pagaalaga kay baby. Pero momsh pray lang tayo kapit na lang tayo kay Lord wag tayong papatalo sa PPD na yan isipin natin na mas kailangan tayo ng baby natin kaya wag tayong susuko momsh kapit lang☺️
Magbasa paThink positive Eat healthy foods Onting stretching/light exercise sa umaga Mag paaraw ka Wag mahiya humingi ng tulong sa pag aalaga kay baby sa mga tao sa bahay. Wag mo na baggitin yung depression na word sa mama mo. Ayaa nya maniwala di wag. Pa help ka mag alaga lalo pag madaling araw. At magpa breastfeeding ka. Kasi bonding nyo yun ni baby. Makipag usap sa friends. Smal talk lang. Kamustahan. At higit sa lahat, wag kalimutan na mag dasal. Mag pasalamat kay Lord sa lahat ng mga blessings. 🙏💙
Magbasa paAko din ganyan. Minsan pati si baby nasisigawan ko. Lalo na kapag ayaw pa matulog. Pagod kana sa maghapon tapos ayaw ka pa alalayan ng asawA mo sa pag aalaga ng baby. Naiiyak talaga ako. 1week palang kami ni baby nung maranasan ko yang postpartum depression na yan. Kapag nasisigawan ko si baby, nag sorry ako agad. Nag sorry kay baby at kay Lord. Tapos iiyak nalang ako. After nun medyo gumagaan pakiramdam ko. Pray kay Lord na matatapos din ito. Kaya natin ito Mommy...
Magbasa paWhat you can do to feel better When you’re depressed, it can feel like there’s no light at the end of the tunnel. But there are many things you can do to lift and stabilize your mood. The key is to start with a few small goals and slowly build from there, trying to do a little more each day. Feeling better takes time, but you can get there by making positive choices for yourself. Nakita ko lang, sana makatulong 🙂
Magbasa paBe positive mommy! Wag mong ipilit na ipaintindi sa iba if they neglected your explanation lalo na sa feelings mo mas lalo ka lang madedepress .. Think about your baby kasi sayo siya dedepende starting now and sa future .. let yourself surrounded by positive moments with ur baby .. wala kang ibang aasahan regarding this matter kundi sarili mo .. lakasan mo lang loob mo .. Believe me , I've been there..
Magbasa paYes mommy. Make yourself busy. Divert your attention sa ibang bagay. Read books, magtahi ka, magtanim ng halaman, maghanap ng ibang pagkakabalahan at most importantly, maghanap ka ng vent buddy mommy. Friends or kapitbahay na makukwentuhan para mailabas mo naman yung worries mo. I know mahirap pero we have to do it for ourselves and for our child. 💖
Magbasa paThankyou po ❤
You can share your thoughts here maraming makakaintindi sayo. Don't keep it to yourself, let it go sabi nga ni elsa. Keep praying and whenever na mararamdaman mo siya dance or sing, you can also write it down. Express it, kaya mo yan mommy ❤❤❤❤ You are strong enough to overcome it 😙😙😙😊😊😊😊 **//sending huuugsssss//**
Magbasa pa