postpartum

Hi mga mommies. Sana wala po mag bash. Kailangan ko lang po talaga ng help ??? hindi kasi naniniwala nanay ko sa depression. Tingin niya pag may ganun ka baliw ka na. ?kaya nahihirapan ako mag open at mag sabi ng nararamdaman ko ? ano po ba mga ginagawa niyo para di niyo ma feel na parang sasabog ka na talaga na halos masasaktan mo na sarili mo ? #newMommy #4monthsPOSTPARTUM

53 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako mamsh pinag aaralan ko behavior ni baby .. kung kelan gising. Tulog. Dodo. Poop and playtime nya . Para makapagsched ako ng maayos at makagawa ng ibang mga bagay na ikalilibang ko. Dapat meron tayong "me time" kahit saglit lang. Na ssched ko ng maayos araw araw ang linis ng bahay. Luto at laba. Syempre with the help of my family. Nakakapagtanim pa ko ng mga vegies. Nagpepaint din ako. Seller din ako online (frozen products na sariling gawa ko at mga diaper). 😊 Nagagawa ko lahat yan pag tulog si baby .. o pag busog sya at okay ang mood naglalaro lang sya sa kama habang nag oonline selling ako. Sanay kasi sya nakalapag lang. Nagpapabuhat din naman sya lalo na kapag mainit ang panahon. Kapag kulang oras ko . Pinapaalagaan ko sya ng konting minuto lang naman sa family ko. Basta 24/7 kasama ko sya kelangan lagi ko sya nakikita kahit may ginagawa ako. Eto lang laging nasa isip ko. Be a good mom Happy dapat si baby Sa mga ginagawa ko na yan sis di ko naiisip mabugnot. Naiisip ko after ng mga ginagawa ko may gulay akong aanihin. May painting akong ididisplay. May kita akong ipambibili ng needs ni baby 😊 at nakakahappy yon para sakin .. Ikaw din. Try to analyze kung anu pang kaya mo 😊 kaya mo yan.

Magbasa pa