postpartum

Hi mga mommies. Sana wala po mag bash. Kailangan ko lang po talaga ng help ??? hindi kasi naniniwala nanay ko sa depression. Tingin niya pag may ganun ka baliw ka na. ?kaya nahihirapan ako mag open at mag sabi ng nararamdaman ko ? ano po ba mga ginagawa niyo para di niyo ma feel na parang sasabog ka na talaga na halos masasaktan mo na sarili mo ? #newMommy #4monthsPOSTPARTUM

53 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako din ganyan. Minsan pati si baby nasisigawan ko. Lalo na kapag ayaw pa matulog. Pagod kana sa maghapon tapos ayaw ka pa alalayan ng asawA mo sa pag aalaga ng baby. Naiiyak talaga ako. 1week palang kami ni baby nung maranasan ko yang postpartum depression na yan. Kapag nasisigawan ko si baby, nag sorry ako agad. Nag sorry kay baby at kay Lord. Tapos iiyak nalang ako. After nun medyo gumagaan pakiramdam ko. Pray kay Lord na matatapos din ito. Kaya natin ito Mommy...

Magbasa pa