postpartum

Hi mga mommies. Sana wala po mag bash. Kailangan ko lang po talaga ng help ??? hindi kasi naniniwala nanay ko sa depression. Tingin niya pag may ganun ka baliw ka na. ?kaya nahihirapan ako mag open at mag sabi ng nararamdaman ko ? ano po ba mga ginagawa niyo para di niyo ma feel na parang sasabog ka na talaga na halos masasaktan mo na sarili mo ? #newMommy #4monthsPOSTPARTUM

53 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same tayo momsh 1 month na lo ko nung mga linggo pa lang siya as in lagi akong naiyak gabi gabi sabayan pa ng hindi ako tinutulungan magbantay nang baby ng husband ko yung feeling na parang gusto mo na lang mawala kasi iniisip mo na parang ikaw lang yung nagaasikaso magbantay at magalaga sa baby mo tapos yung husband mo puro laro lang ginagawa di man lang makaramdam na kailangan mo ng tulong sa pagaalaga kay baby. Pero momsh pray lang tayo kapit na lang tayo kay Lord wag tayong papatalo sa PPD na yan isipin natin na mas kailangan tayo ng baby natin kaya wag tayong susuko momsh kapit lang☺️

Magbasa pa