Alam mo sis mahirap kalaban yan. Ginagawa ko pag nasosobrahan ako magisip lalo na pag negative o bigla bigla nalang ako maiinis, malulungkot o sabihan ng kung ano ano tapos magagalit na ko, nagoopen lang ako kay mister ko. Pag wala siya iniiyak ko lang at sinasabi lahat kay GOD. Kinakausap ko baby ko. Tapos nakakatulong talaga yong napaka maintindihin ng asawa mo. Siya lagi nagsasabi saken na tiwala lang tayo sa kanya, kaya naten to. Kaya lahat ng worries ko pati problema (ewan ko kung problema ba talaga) nawawala. Unti unti gumagaan pakiramdam ko. Pag naiyak mo siya, pag nalabas mo lahat ng pangamba mo gagaan e. Ewan ko kung pano pero kelangan siguro may matibay kang pundasyon at pinanghahawakan para malampasan mo yan. At kung wala naman dapat matibay ang isip mo na kaya mo to, malalampasan ko to para sa anak ko. Kasi tayo lang din tatalo sa sarili nating isip e, the more na nagpapa-apekto tayo the more na lalala sitwasyon naten. Lalo na pag umabot na sa point na nananakit na di lang sa salita, kundi phisically. Sa sarili mo o ibang tao o sarili mong anak mas mahirap yon. Kaya tatagan mo isip mo at kapit ka lang kay god. Issurrender mo lahat ng problema at worries mo sa kanya promise nakakagaan sa dibdib.
Magbasa pa