postpartum

Hi mga mommies. Sana wala po mag bash. Kailangan ko lang po talaga ng help ??? hindi kasi naniniwala nanay ko sa depression. Tingin niya pag may ganun ka baliw ka na. ?kaya nahihirapan ako mag open at mag sabi ng nararamdaman ko ? ano po ba mga ginagawa niyo para di niyo ma feel na parang sasabog ka na talaga na halos masasaktan mo na sarili mo ? #newMommy #4monthsPOSTPARTUM

53 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Go momsh. Iiyak mo lang yan para kahit papaano maibsan ang nararamdaman mo, lumabas ka sandali sa bahay magpahangin kung gusto mo isigaw mo na din para mawala naman kahit papano yung parang nakabara sa dibdib mo. Pray lang momsh at kelangan mong patatagin ang sarili mo at sabihing "laban lang kelangan akk ng/mga anak ko". Walang ibang magkakaintindihan kundi tayong mga bagong panganak lang dahil di naman ito nararamdaman ng mga asawa natin kaya kung minsan ay di sila naniniwala at di tayo naiintindihan. Sasabihan pa tayo ng nag-iinarte lang. Kawawa kasi ang mga anak natin kung di tayo lalaban. Kung nakakaramdam tayo ng PPD para na rin kasi tayong sinasapian ng bad spirit kaya kung ano ano ang pumapasok sa isip natin kaya di natin namamalayan nadadamay na pala si baby at hahantong sa kamatayan.

Magbasa pa