Anonymous Confessions: Kababawan

May mga away ba kayo ng asawa/partner mo na sobrang babaw lang ang pinagsimulan? ?

Anonymous Confessions: Kababawan
149 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nung di ko narinig yung "i love you" nya tas niloko ko sya na nagtatampo ako. Nagtampo din πŸ˜‚ end up nagsorry naman ako. He's been too sensitive lately gawa nang magkalayo kami during this time of pandemic

Mga hugasing plato πŸ˜‚ Turn na kasi nya tapos ayaw pa hugasan, eh ako ayaw ko na may tambak sa lababo feeling ko ang dumi. Ayun nagkasagutan, nauwi sa hindi pag iimikan ng isang buong araw.

Madami. Ang immature nya kasi mag isip napaka kitid ng reasoning. Minsan nakakainggit yung ibang buntis na masaya sa partner nila kasi ako I dunno, I never felt that kind of caring e.

Nung hindi ko nalagyan ng asin yung burong niluto ko nung buntis ako. Nagalit sya. Lol. (Hindi naman kasi talaga ako marunong magluto, pero trying kasi going-to-be-a-mom na) πŸ˜…

TapFluencer

Sobrang sensitive ko. Di niya lang minsan magawa gusto ko umiiyak na ako tapos pinapalayas ko siya sa bahay πŸ˜… Pero marupok din ako pag nilambing na niya ako okay nanaman 🀣

madami. sa part ko madalas puro kaartehan, gusto ko lang kasi kunin atensyon nya. sa part naman nya yung palaging malapit nya sa ibang babae like kung like or comment sa fb.

Dahil sa buto ng Calamansi ayaw nyang malagyan ng buto ng Calamsi yung palabok niya. Dapat kapag piniga walang buto na mahahalo sa palabok nya. Napakababaw, tskk!

Di pa ko buntis nun pero yung tocino po, ang dami kasi kumuha ng ulam, naasar ako binuhos ko lahat ung ulam sa kanin nya ahhahahaha laptrip kami pag naaalala yun eh πŸ˜‚

TapFluencer

Wala naman.. Di naman ako palapatol basta mababaw na dahilan lang. Kaya ko mag timpi... Hindi din mainitin ulo ko. Saka pag galit ako saglit lang maya mya ok na😁

Pinag aaway nmin mag asawa ang kanya responsible for baby nmin .. minsan maliit ang kanya pdla sken pera NSA province sya ngaun .nagbibigay dn kx sya SA parents nya