Anonymous Confessions: Kababawan
May mga away ba kayo ng asawa/partner mo na sobrang babaw lang ang pinagsimulan? ?
Me and my husband are very patient with eachother's kakulitan. When I got pregnant there was this one time na sobrang nataasan ko yung voice ko and he shouted at me. I kept quiet and threw the remote at him. We didn't talk for few hours, he approached me, gave me a glass of water and asked me if bati na kami. ๐ i said not yet I'm still mad at him. So he left and went back after mga 30 mins may dalang BP monitor, and vitamins, then asked me again if bati na kami. Sabi ko yes, he hugged me and told me na shock lang siya nung sinigawan ko siya kasi hindi siya sanay na ganun boses ko. Simula nun pag tumaas boses ko, sasabihin na lang ng husband ko na "susumbong kita kay baby." ๐
Magbasa paKada mag lalaba, kase SKL ha, dto ako sa knila nakatira , so kada mag lalaba kame , lagi din nag lalaba yung mga ate , pero may mga sariling bahay na naman, edi lagi kame nag aadjust , puro bukas nalang kame, kaya nag aaway kame kasi nattambakan labahin namin, tapos wala pang sariling batcha at hanger yung dalawa nyang ate , ewan ko ba may sarili naman mga bahay dun pa nakiki laba at nakiki sampay , ayoko naman sabhin sa byenan ko , na nahihirapan din ako kasi palagi tambak labahin ko, tapos buntis pako at maselan , pinag bebedrest ako , tapos mga pakelamera pa sila kada mag lalaba kami , nakaka stress po sobra ๐ข
Magbasa paSame here momshy mahirap talaga maki pisan. Kahit tayo yung buntis tayo yung need mag adjust kasi need natin makisama.
Yung dahil lang sa ayoko pang maligo kasi antok pa ako pagod at puyat ang nararamdaman ko tapos pipilitin nya akong maligo. Hayts! Di talaga kami agad nakaayos dun. Meron pa! Nang dahil lang sa hindi nasunod yung gusto nyang luto sa dinuguan. Haha sabi ko sa kanya ng pabiro "e di wag kang kumain!" Hindi naman talaga sya kumain. Di kami nag iimikan ng 1 day.
Magbasa paung nagluto sya pero ndi pa nya bantayan si baby sa kwarto para makakain ako kc manonood pa sya, tapos marami ako gagawin school work sa araw na un, ayun ndi nlng ako tlga kumain ng niluto nya, nag order ako sa mcdo tapos ndi ko sya binigyan at ndi kinausap ng 4days, ako nlng din nagluto ng food ko simula nun kc ayaw ko kainin niluluto nya hahaha
Magbasa paGusto ko ibabayad nya sa jeep is buo hindi barya. Dun nya napansin na palaging mainit ulo ko and nagtry kaming magpaconsult sa psychologist kasi nag iba na yung behavior ko. ๐ Turns out na malapit na kong magkadepression, nagstart na sa anxiety.
Yong ang tagal nyang bumalik galing sa pagbili ng pagkain at gutom na gutom na ako. Ng dumating siya galit na ako nagdadabog at hindi nagsasalita habang kumakain. Nang nakakain na ako ok na nginitian ko na siya. Kaya takot siya na magutom ako.๐คฃ
Kainggit. Pag may gusto akong kainin, ako ang kikilos para magluto ng kakainin ko ๐ญ kahit nung buntis ako, pag may cravings ako ng alanganing oras, tulog na lang ulit kasi di niya binibili ๐ญ
Yung mag eembento ako ng kwentong may babae sya tapos sasabihin nalang nyang oo para lng tumigil aq pero obviously umoo lng sya para stop na..tas maaasar aq sasabihing "sabi q na nga ba e! Cnu nanaman yan!" Tas ayun galit na q ahahaha
Walang away na naganap, wala kaming problema. sobrang okay namin at ng family ko sakanya. Tas di ko alam sa side nya pinagplanuhan na pala na umalis dito at iwan kami mag ina. Kung kelan malapit nako manganak saka kami iniwan.
Hindi nya ako sinama sa swimming nila HAHAH nainis ako kasi nangako sya na issama kami tapos nung mismong swimming na biglang hindi na kami kasama HAHAHA..Nilayasan ko tlaga sya nun umuwi ako sa bulacan๐คฃ๐คฃ๐
Pinilit nya akong kumain ng paa ng manok. Ending muntik ng di matuloy kasal namin. Sabi nya pano daw kung yun lang ang kaya nyang ipakain sakin. Sabi ko naman mas mura naman ang itlog kesa sa paa ng manok ๐