Anonymous Confessions SPG: Turn ons

Ano ang ginagawa ng asawa mo na nakaka-turn on para sa’yo?

Anonymous Confessions SPG: Turn ons
179 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Pinagluluto niya ako, tinitimpalahan ako lagi ng gatas pagkagising tsaka bago matulog. Hahatid sa work bago siya pumasok, sundo pag uwi, lagi niya akong tinatanong kung ngugutom ba ako, kung pagod naba ako, okay lng ako. Tas pag matutulog na lagi niyang pinapaunan sakin braso nya tas niyayakap ako sabay kiss 😅 minsan sa madaling araw pag nagigising ako or sa umaga na akala niya tulog pako kasi siya unang nagigising para magluto hnahalikan niya ko habang tulog tas bumubulong ng I love you 😆 Pag uuwi ng work lagi nagtatanong ano gusto kong pasalubong, minsan pag d ako nkakareply kasi tulog matik ung paborito ko ung dadalhin nya pag uwi 😅 Very hands on partner especially ngayong magkakababy na kami 🥰

Magbasa pa
3y ago

nakakatuwa naman makabasa ng ganto sa comments!!! stay strong sa inyong dalawa ni hubs ❤

Yung simpleng pag aasikaso niya sakin lalo na yung pag ggrocery niya and paggawa ng household chores kahit busy siya sa work. As much as possible ayaw niya akong pakilusin masyado sa bahay unless ipilit ko kasi gusto ko din ng may ginagawa. Hindi siya showy na tao kahit dati pa pero sa mga gestures niya, especially ngayon na preggy ako, napapatunayan ko talaga na mahal ako ng partner ko. Very good provider din siya and walang kasing hardworking. Maraming salamat babe. Sobrang thankful kami sayo ni baby. Mahal na mahal ka namin. ❤️❤️❤️

Magbasa pa

Pagiging responsible mapagmahal (sobra) maalaga 🤗 mabait sya 😊 di mya ako natitiis oag nag-away kami, pinapatawa nya ko🤣 Tinatama nya mga mali ko😁 basta madami pa. lahat po ng yan pinakita nya since Day 1 hanggang ngayon magkakaroon na kami ng baby☺ kaya araw-araw ako nag-iilove you sa kanya kahit naiinis na sya tinatawag ko minsan para lang mag-i love you😅

Magbasa pa

ung partner ko Kasi sobra pa sa babae halos LAHAT ng gawin sa bahay ginagawa nya..magtimpla ng gatas ko ganun din sa merienda mas natutuwa ako Kasi mahilig sya sa halaman malinis din sa bahay ayaw nya ng makalat at palagi may hugasan sa lababo...pero ngaun wala Kasi Sya onboard pa nakakamiss din 😢😢😢

Magbasa pa

My husband is a very hands on Dad. I gave birth via normal delivery and dahil sa malaki si baby, 3.6Kg, malaki din yung pilas ko and hirap ako kumilos nilagnat pa ako after giving birth. Siya lahat nag asikaso sa akin and kay Baby. pinalitan niya diaper ko after I gave birth, pinaliguan niya ako, massage and all.

Magbasa pa

kahit gaano katoyo ako, never pumatol saken at ang sbi lang saken lagi, gutom lang daw ak,kya binibili nia lahat ng pagkain n gusto ko at ssbihin nia pag kaanak mo at malakas ka na ipapasyal kita, 😂😂😂😂 hirap talaga pag buntis khit wala ciang ginagawa naiinis ka hahaha

VIP Member

very supportive and responsible kpag may konti akong hiling at pagawa hindi sya nagdadalawang isip. Top priority din nya kmi ng anak ko at magalang sa buong family ko. 😍 dito ko napagtanto na hindi nasusukat ang itsura at galing sa kama ng lalaki. 😅

Sinasayawan nya ko ng parang Dante Gulapa kahit di bagay sakanya natuturn on se pinapatawa nya ko kahit pa nung wala pa kaming anak lalo pag naiinis ako sasayawan nya ko.. wala na inis ko.. isa pa pag inaasikaso nya ko at c baby

VIP Member

Ung kapag wala syang pasok sya ang nagluluto at kapag umaga pnagtitimpla ako ng kape.. At syempre inaalagaan nia c baby namin at nakikita kung masaya cla ngbabonding.. Un nakakapagpahinga ako at masaya tlga akong nakikita cla na ngbabonding..

Sa pagtawag nya sa akin every free time nya sa work to check if kumain naba ako, nagtake naba ng vitamins, naghike ba ako at kapag day off nya para akong prinsesa 🥰🥰🥰 Sya lahat gumagawa ng gawaing bahay