Kampihan Mo Ko!!!
Kapag nag-away kayo ng in-laws mo, umaasa ka ba na kakampi sa'yo ang asawa mo?
Hindi.. Hindi kumakampi asawa ko kahit kanino samin ng byenan ko na babae . Kung Sino Ang mali samin pinag sasabihan ng asawa ko kahit mama pa nya. Hindi sa paraang bastos kundi may galang parin.. parang ganto Sabi nya..buntis ung tao tsaka bago pa dto sa bahay natin dahan2 ka nmn ma sa pananalita nasabi mo nga Ang Punto mo sa asawa ko nakasakit ka nmn ng damdamin.. Yan ung sinabi ng asawa ko sa mama nya nung kakalipat ko palang sa bahay nila.. tpos nung namatay Ang Lola ko sinabihan ako ng byenan ko na wag ko na dw iyakan.. sumagot ako pero Hindi bastos.. nag away kami ng asawa ko nun. sakanya ko nilabas Sama ng loob ko sa mama nya.. Hindi nya din kinampihan mama nya o ako Sabi nya Sana naging sensitive Naman mama nya.. .. sinasabihan nya din ako na intindihin nlng mama nya Kasi matanda na. inunawa ko namn at tinanggap ko pero sinabi ko sa asawa ko na Hindi Mo kami mapagsasama ng mama mo sa isang bahay dahil Hindi tlaga kami magkakasundo..which is okay Naman sakanya at naintindhan nmn nya.. Hindi ako Galit sa byenan ko sadyang may mga bagay na Hindi talaga kami magkasundo..lalo na sa pamamalakad sa bahay at anak ko.. pag bahay nmn ng asawa ko dapat ako masusunod Hindi sya.. ayun Sabi ko sa asawa ko.. Hanggat kaya ko iniiwasan Kong magkaron kami ng issue ng byenan ko Kasi sa totoo Lang ung asawa ko Ang nahihirapan.syempre mama nya Yun tapos ako asawa nya. takot pa naman syang iwan ko sya kaya naawa din ako sakanya. kaya Sabi ko sakanya wag mo nlng kami pagsamahin ng matagal sa isang bahay
Magbasa paahm yes 100 .20 % kasi nangyari na yon last 2018 pa and pinili niya din ako at pinaglaban siguro dahil mahal niya kasi ako.. And super lucky ko sa hubby ko kaya mahal na mahal ko yon madalas naawa ako sa kanya kasi bilang isang anak na malapit sa magulang at siya na lang kasama ng magulang niya na anak sa house iniwan niya para sakin kahit pinapili siya ng magulang niya kung ako oh sila mas pinili niya ako kasi mahal niya daw ako... masaya ako pero xempre malunglot din kasi dahil sakin nasira samahan nilang magkakapatid at samahan nila ng magulang niya ang almost 2 years na siyang hindi nauwi nadalaw at nagttxt sa kanila kahit sinasabi ko uwi siya dalaw siya ayaw niya kasi gusto daw niya kapag dadalawa siya kasama niya ako asawa niya na daw ako so dapat matanggap na daw nila yon... Sa totoo lang iba kasi ugali ng nanay niya pero ganon talaga ang mga magulang
Magbasa paneto last na misunderstanding namin ng LIP ko di ako pinapansin ng nanay niya. nagsumbong kasi tong lip sa nanay nya eh. i am expecting na sila ang gabay sa amin pero mukhang one sided. nung away namin un di ako nagchat or nagsumbong sa mama niya. kaya di nila alam buong kwento bat kami nagaway. akin lang sana eh huwag nila isama sarili nila sa away namin. buntis pa man din ako ngayon ayoko nakakaramdam ng di ako welcome dito sknila dahil nagooverthink ako. kaya dko na lang din pinapansin para iwas stress. dko tuloy alam kung galit ba siya dahil inaway ko anak niya or what. lagi na lang ako nagkukulong ng kwarto. pero at the end of the day ako pa din naman pinipili ni LIP nakakainis lang minsan nagsusumbong siya kaya hirap tlga kapag nakatira ka pa sa magulang mo.
Magbasa paOf course. Ang mag asawa, mag kakampi. Hindi mag kalaban. 😊😊Ako nakaaway ko na mga kapatid nyang babae. Inggetera kase eh. Gusto nila, sila lang may kakayahan umangat. Hindi purkit nasa ibang bansa sila, sila masusunod at masama ba bilhan kami motor ng magulang ko? Motor lang, issue na. Kesyo kami nag sasaya, sila nag hihirap sa korea? Duhhh! Hindi ko kasalanan na at lalong hindi ko gusto na mag ibang bansa sila, sila may desisyon non. Kaya wag nila sisihin samin kung bakit sila hirap at kami nag sasaya. Sabihin nila sa mga ate ko din at sa magulang ko na wag kami tulungan. Kung susundin sila. Hehehe.. (ako kinampihan ng asawa ko kase wala masama sa ginawa ng magulang ko. Talagang gusto lang nila na na ayaw nalamangan.)
Magbasa pahindi po...ksi nung may gnawang mali yung nanay nya wala syang gnawa di man lng pinag sabihan ehh kmi yung napeperwisyo uutang kung kani kanino tpos pag bayaran na biglang mawawala. kmi tuloy ang naaabala...tpos uuwe sya pang galit pag tinanong sya about sa utang nya...pasaway pro ngayon kung sakali maulit uli yung gnun tpos kakampihan prin nya wala syang gagawin ayyyy....umuwi na sya kasama yung nanay nya!! dko kaylangan ng kasamang sakit sa ulo at perwisyo syempre uunahin ko yung anak ko...di kawalan yung gnung klase ng byenan at asawa mag sama sila mag hapon mag damag.
Magbasa panever ako nag expect na kakampihan nya ko pero kabaligtaran ang ending namin lagi, alam kasi ng asawa ko na pag nakikipag talo ako nasa lugar ako at gumagamit pa din ako ng po at opo kahit na naiinis na ko, hindi ko din tinataasan ng boses basta pino point ko yung side ko at yung mga sa tingin ko ay tama. kinakausap ko din sila ng pormal, yung byenan ko lang talaga yung maingay at maraming mga pamahiin na hindi ko naman sinasang ayunan lalo na pag alam kong kalokohan lang minsan. pag nakipagsigawan kasi ako pakiramdam ko pati magulang ko nababastos ko.
Magbasa paHindi. Mama's boy pala. 😅 Minsan nainis ako,inaamin ko. Masyado kasing pinakikielaman yun way ko sa pgaalaga sa anak ko. Parang gusto sila ang lging susundin. Tapos nung gabi sinabihan ako ng asawa ko. haha. take note ha 2 days plng after ko mkapanganak noon. Dapat ay comfort ay sermon ang inabot ko. Halos wala png tulog mula maglabor until that time. Ako dn kasi nag-aalaga sa baby ko. Pinapakinggan ko dn nman pg alm kong tama din sila pero masydo nman dn. 😅😂
Magbasa paWag sana mangyari na magaway kami ng in laws ko hehe. Sobrang love ng asawa ko ang mama nya kapag inaaddress nya mama niya sobrang soft ng boses ng asawa ko. Malayong malayo kapag ako kausap niya. Pero okay lang saakin yun. Gusto ko yung lalaking close sa mama nya. Pero kung may mga tampuhan, kakausapin niya ako masinsinan tapos initindihin nalang ang mama nya. Okay naman ako dun. Submissive naman ako sa asawa ko haha. Bahala na si batman happy lang dapat ang life. ☺☺
Magbasa panow until forever iisa lang kami ni hubby but luckily wala kaming problems sa family both side. hindi kagaya ng nauna kong jowa. mama's boy ampotaaaaaaa kahit maling mali na nanay niya nakasiksik ng nakasiksik sa pukelya ng ina. ayon magsama sila gang lagutan sila ng hininga basta masaya kami ngayon ng anak ko sa bago naming papa. at tanggap kami ng buong family hundred percent. hindi judgemental at hindi feeling perfect ang family. pweeee ang toxic nila
Magbasa panag sagutan kse ,pag uwi plng namin ng anak ko galing kmi sa mama ko bigla nlng binulabog ung pinto namin at nag sisigaw. ung apo Nya dw kinukulong ko . Kya npasigaw din ako sa knya may ho parin nmn sinabi ko , masyado kse nakikialam kung paano ko palakihin ung anak ko eh . un ung pinaka ayuko sa lahat . . nag sumbong ung byenan ko sa Asawa ko umuwi Asawa ko edi sinabi ko ung totoo .ako una sinigawan ng nanay Nya . 😂😂
Magbasa pa