DSWD
Sino -sino na po nakafill up ng ganitong form??ilang days inantay niyo bago mabigay yung pera????
Sakin mga 2day pag kabigay ng form .. Jusme pag bigay nmn ng pera sakin nung lumabas ako para bumili daig kopa nknkapatay galit n galit yung ibang hindi nkakuha samin kesyo daw 2015 daw yung sensus ee hnd pa daw ako buntis nung mga panahong yun .. tz yung iba kesyo nanay ko kasi nag tatrabaho sa barangay ganun.. buntis ako hindi bka dapat mabigyan no n .. no work no pay din asawa ko .. wala kming pinag kukunan malapit nko manganak wala pang gamit anak ko ... pero ang tingin nila parang pumatay ako or ninakaw ko yung pera 😢ulti mo pati kamag anak namin ganun tingin sakin .. galit na galit sila .. pati anak ko kung ano ano sinasabi nila .. batang walang kamuwang muwang nsa luob ng tiyan ko parang may ginawa ng masama sa knila .. kung hnd ko naman kylangan yan at hnd ako qualified bkt ko nga tatanggapin yan .. tanggapin ko man syempre mag sheshare ako eh kso kahit ako kylangan ko .. hnd nila naiintindihan yun .. ang iniisip lang nila .. yung pera na dapat sa kanila na hnd dapat para sakin 😢
Magbasa paNareceive ko yung samin after 5 days, pero ang laking issue nyan sa mga kapitbahay ko kasi di daw kami deserving kasi nakakapag part time pa ko sa bahay, akala ata nila malaki kinikita ko, malapit na kong manganak since nawalan ng work si hubby nagalaw namin yung ipon para sa pampapaanak malaking tulong talaga samin yung financial aid kasi bukod sa lalabas na baby meron pa kaming dalawang anak na 12 & 10 years old. Araw araw nila kaming pinagchichismisan sa tapat pa mismo ng bahay namin para marinig namin. Dahil sa stress dinugo ako kaya bed rest ako ngyon at umiinom ng pampakapit 😣
Magbasa paWalang balita nyan dito sa montalban Rizal inuuna nila mga malalapit sa kanila 😭sad to say pero yan din Sana inaasahan ko para sa pnganganak ko , Kasi Yung konting ipon nmin nagastos na para sa gamit ni baby 😔 kaso Wala tlaga aksyon Yan dto , Ultimo patay dw nakalista sa listhan ng dswd tas Yung ibang senior dto samin Wala din sila paki 😭😔
Magbasa pakukunin yan sa barangay o di kaya ipapamigay ng brgy niyo. yung samin sa brgy pa kinuha pumila pa yung papa ko at kasi din dalawa kami nalista sa mabibigyan. pgkatapos mag fill up pinapunta na kami dun sa area kung nasan yung mga taga dswd nag operate agad2 lang din nakuha namin. syempre priority nila buntis kaya madali ko lang nakuha.
Magbasa paNkapag fill up ako.. pero hindi din ako napili🙄im 6months preggy..😔 Yung ibang nabigyan smin hindi din nman poor to the poorest.. Yung iba nga may business at service pa.. tpos kasali pa ung kumandidatong Mayor smin last election hahaha.. may asawa pa ng police🤦♀️ Mapapa hay naku ka na lng talaga😔😔😔
Magbasa paAy ganun unfair naman yun... Sana nga makatanggap kami 7mos na tyan ko turning 8 mos palang..
Nakapag fill.up po kami nung april 4. And kanina po nagbigayan na ng amelioration. Qualified po ako and nkatanggap dn ng ayuda pregnant woman po kasi ang kakagraduate lg naman ng asawa ko. May anak dn kaming isa. Sa awa ng diyos khit papano naambunan dn ng grasya.
Meron dto sa Amin Ang kaso Hindi kmi pasok sa master list e.khit 7months na ung tiyan at may daibitic pa ako need ko Sana makapasok para mabili ko Ang aking kylan na mga gamot.kahit alm ko na pasok sa sektor nila na sinasabe😢😢
Ako po nakapag fill up niyan and wala po ako work then tumawag po sakin taga DSWD for validation, sinasabi nilang may nakalagay na daw po sa form na may work daw po ako. Ewan ko po kung panu nangyari ayon wala ako natanggap 🙁
one week after nagfill up ng form. Nag house to house ang taga DSWD dito samin para ivalidate kung approve or disapprove ka. then kinabukasan. Barangay Payout na ng SAC dito samin. (guiguinto,bulacan)
Depende po sa sched ng lugar nyo ina- announce naman po kung saan ang lugar cila mgpapamigay , sa amin pgkafill up po ng 9pm sa ika 3rd day nagbigay na po. Kasali po Priority nila ang pregnant..