Lying in

sino po dito nanganak sa Lying in talaga po ba may babayaran pag sa lying in nanganak kahit may Philhealth?? balak ko kasi manganak sa lying in at may philhealth ako..

42 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Kung first baby mo yan hindi accredited ng philhealth basta sa lying in ka manganak dahil pinagbawal na yan for now. Huli ko na nga rin nalaman itong info na ganto kung di ko tinanong. Sa lying in kase ako nagpapacheck up at balak manganak pero nung nalaman ko na irefuse dahil sayang yung philhealth ko pagdi nagamit sa panganganak ko. Which is tumaas ang payment ni philhealth this year. Sa pagkakaalam ko lang naman sis. Dependi siguro yan sa lying in

Magbasa pa

usually po pag midwife ang mag papaanak yung mga excess nalang ang babayaran mo of may sobrang nagamit. May mga Lying in Clinic po kasi na OB ang nag papaanak so mas mahal po yun. Ako po since choice ko na OB mag pa anak sakin kahit sa Lying in nag handa na po ako ng around 13-15k. Pwede nyo po itanong yan sa lying in kung san kayo nag papa check up ☺️

Magbasa pa

yun pong masosobra sa bill nyu ang babayaran kase may covered amount lng nmn po ang philhealth.. hindi ibig sabihin pag philhealth ay zero billing... liban na lang kung ang bill nyu sa lying in ay sumakto dun sa amount na nacovered ng philhealth😊

Depende s lying in sis meron as in wala ka babayaran meron nmn my binbyran p din like kung gusto mo mgac s room gnun ako ngbayad pa ko 2k kht my ph ako s kbilng lying in kasi walang bayad pero di ako tiwala s midwife kaya don ako s madami n npaank

ako mamsh. first baby pa. yes may babayaran po depende sa package ng doctor nila. sakin ang package is 24k less philhealth pa pero induced labor ako ilang turok din un nsa 5 inject din ng pamphilab. so 19k all in all binayaran ko sa lying in.

Nag ask ako sa ob ko kung may babayaran pa aside sa philhealth. Sabi nya zero balance billing na daw sila pero need magbayad for newborn screening ng 350 kasi kulang ang budget ng philhealth para dun. If maswero naman daw, babayaran din.

VIP Member

Aq s 2nd baby q Lying in aq nanganak peo private un, hnd nga lng accredted ng philhealth, dun dn ang check ups q from d start of my pregnancy.. 15k bnyaran q maternity package nman n dn.. Ska maasikaso sila.. At magaleng ang OB q..

Hello sis sa lying in ako dto pasig manganganak..Pero mhal kht my philhealth...12k since first baby kc ob ang mgpapaanak skn ndi midwife..So prang ung doc ang babayaran ko..Kc pag d rw first baby at midwife mgpapaanak nsa 2-3k lng

5y ago

Ah.. Sa may santolan kasi lying in ng ob ko. My choice clinic ky Dra. Flor Nocum.

Ang alam ko po wla na depende po pag may tinurokan cla sa baby mo at 1k nalang ata para sa birth ng baby mo un kc ako lying in din po manganganak ngaun may philhelth po ako momshie I'm 38 weeks and 4 days pregnant

Nung jan 13 2020 po ako nanganak sa lying in ftm. Accredited ng philhealth almost 4k din nagastos nmn kasama na ung mga test at injections ni baby gamot ko at ung milk ni baby. Private ob ung nagpaanak saakin..

5y ago

Naic cavite po