Private and Public OB

Sino po dito ang may regular check up sa private at public? Pwede kaya yun? Di ko kasi kaya manganak sa private. Mahal po kaya nagpublic ako kaso gusto ko din matutukan yung pagbubuntis ko kasi sa dami ng nagpapacheck up sa public, nakakahiya nang magtanong ng magtanong sa OB ng mga nangyayari sa pagbubuntis ko. Pwede din kaya sabihin sa private OB na sa public ako manganganak pero magpapaalaga pa rin ako sa kanya?

17 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ok lng po siguro yan mamsh.. May Ob din po ako kaso sa pagkakaalam ko malaki2 ang gastos pag private ka manganganak.. Ok nmn po sa mga birthing center or public hospital as long as maasikaso po tayu agad or hindi tayu pababayaan ng mga midwife,nurse at staff ng ospital :) Ngayung 2months na nga po akung preggy napag.usapan nming sa libreng center nlng aku manganak pero if needed irerequest ko yung Ob ko magpapa.anak sakin :)

Magbasa pa
VIP Member

Yes po. Pwede naman po yun. Pwede rin na yung private ob ang magpaanak sayo kung gusto mo sa hospital manganak. Kaso may professional fee ang private ob pag sa ibang hospital sila nagpaanak. Medyo may kamahalan nga lang. Kung hindi naman po risky or hindi 1st or 5th times mong manganganak pwede ka nman pong manganak sa private lying in na may private doctor para mas makamura ka.

Magbasa pa

Ako sis nagpacheck up weekly sa lying in at monthly nmn sa private OB ko at iba pa ung sa ultrasound na OB din wala po kc equipment c private OB di sya ngkoconduct ng ultrasound kaya ayun paiba iba..basta maalagaan kayo un ang mahalaga pero dun k tlga magpaalaga kung san k manganganak.

Wag ka mahiya magtanong sa OB mo, mas okay yung nagtatanong kasi dun mapapadali yung paghandle sayo ng OB mo.. As long as si private OB affiliated sya sa public hospital na gusto mo pag anakan okay lang yun magkaiba rin naman ang fee nya depende if saan ka manganganak na hospital...

Yes pwede naman yon, pero wag ka na siguro magsabi sa ob mo. Okay lang yon, kung dun ka manganganak sa public di ka naman nia pwedeng pilitin na mag private. Ganyan ginawa ng kaibigan ko e dito sya sa metro manila nagpapacheck up nung malapit na edd nia umuwi na sya ng probinsya.

Pwede po sa private ang check-up niyo tapos a month bago ka manganak hingi ka referral sa kanya na sa center ka manganak. If nahihiya po kayo mgtanong ng mgtanong sa public.

pwede naman. 2nd month ko hanggang 7months sa private ob ako nag papacheck up kase maselan ako mag buntis . pero now ok na kami ni baby nag punta nako Public hospital 😊

VIP Member

Private ob ako. Ok naman. Informative yung ob ko, ineexplain niya lahat. Pag.uwi ko baka sa public na ako, try namin sa Las Piñas. Sana maganda yung OB.

VIP Member

ganyan nagyare sakin.. public nag papacheck up..tapos yung nanganak ako sa hospital din cs pa😂😅 ayun 100k bills namin sakit sa bulsa😅

May private OB ako pero sa public hospital din ako nanganak. May consultant din kasi ung private OB ko dun sa public hospital.