SANA MAKA-LESS GASTOS

Hello po mga mommy, may naka experience na po dito manganak public or Lying in pero PRIVATE ang OB? Ano po ang ginawa nyo, nahihiya po Kasi ako magtanong Kay OB kung pwede public nalang ako manganak or Lying in Kasi mahal sa private. May ipon naman po ako kaso sunod sunod expenses ngayong buwan. Need pa ba mag pacheck up sa public or need nalang ipakita summary nung check up sa private? 36 weeks pregnant na po ako

5 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ako po mommy is sa private nagpamonthly check-up until 7months. 34weeks na po ako. Pero sa public hospital ko balak manganak kasi medyo mahal talaga pag private. Advise your OB po. Pwede niyo din sya tanungin kung nagpapractice siya sa public hospital para siya padin OB mo. Pero kung hindi, pwede ka manghingi ng recommendation sa kanya if may kakilala siyang OB na nagpapractice sa public. Pag public kasi need mo magkarecord sa kanila kaya need mo makapagpacheck up sa public hospital kung saan mo balak manganak at least once po. Dalhin at ipaphotocopy mo na lang po lahat ng record mo sa private like lab results para di magkaaberya

Magbasa pa
3w ago

Nagtanong ako Kay OB, di daw sya affiliated sa public hospital. Recommendation nlng po talaga need. . may budget nmn po ako kaso gusto ko sana makatipid para Incase may magastos p ako para sa needs ng baby ko.

hello mi, ako po kaka pa transfer lang ngayong month sa lying in kasi private talaga ako nagpapa check up, kaso nasasayangan rin kami sa gastos walang isang buwan na hindi libo nagagastos namin kada check up kaya napag desisyunan namin ng mama ko na lipat na lang kami lying in kasi yun din sina-suggest ng kapitbahay namin at ayun ngayong month po dun na ako nagpacheck up, mas naka mura nga ako. next month na po due date ko kaya nahihiya ako akala ko di na pwede pero pwede pa naman po, may kasabayan rin ako nun 8 months na yung tiyan nya nung nagpa transfer din sya dun kaya suggest ko mi, lipat ka na lying in😊

Magbasa pa
2w ago

same tayo mi, June 8 due date ko, sa Ultrasound naman June 13

hello momsh, ganito ginawa ko nagpaalaga ako sa private ob hanggang 31 weeks, tapos nagpacheck up din ako sa public need kasi ng record na nagpapacheck up ka sakanila, atleast 3 check up nirequest sakin, last meet up namin ng public ob sa may 27 para makapili ng date for cs from june5 to 14 need daw ksi mabuksan pagtungtong ng 37weeks baka daw kasi kag active labor ako. Tyagaan lang sa public kasi marami nagpapacheck up pero worth it naman asking kasi ng ob ko sa private 120k sakin palang, sa public libre lang.

Magbasa pa
2w ago

libre po cs sa public ?

Coba pakai produknya mama choice bun . Produknya sudah sesuai anjuran IDAI dan FDA, 100% aman. Bisa cek langsung di tokonya >> https://shope.ee/9KLw1ZdiEL , lagi ada free gift barang seharga 87.000 dan voucher diskon 100.000 bun. 5244360

pag public po, dapat macheck up at magkarecord po muna kayo sa hospital nila