Stress

Sino dito same kame ng situation? Give me advice please.. ? Ayaw ba ng pamilya nyo sa asawa mo? Ayaw kame pagsamahin sa iisang bahay ng mga magulang ko hindi ko alam kung anong dapat kung maging reaksyon pero sabe ng mga ibang tao dapat magsama na daw kame ng asawa ko kase magkakababy na kame. 19 yrs. old pa lang kasi ako mga mommy and yung partner ko is 22 yrs. old graduated na sya ng college. Ang gusto ko lang naman mangyare yung kahit di kame maglive in pero kahit sana makapunta man lang kame sa bahay ng asawa ko kahit paminsan minsan lang. ? Tapos kapag magpapacheck up kame kailangan kasama kapatid ko or kahit bibili lang ng gamet ni baby. ? Parang wala kameng kalayaan. nakakalungkot tuloy. ? Bigyan nyo po ako ng advice para mas lalong lumawak pagunawa ko.

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nabuntis ako at age of 23, 25 naman ung bf ko. Ngayon 3 months pregnant na ko, ganyan din parents ko ayaw nila ako ipasama sa bf ko, naiintindihan ko kase stay in ung bf ko sa work nya. pero payag silang ikasal ako, ang sabe ng mama ko kahit daw manganak na ko pwede padin daw ako dito samen kase mahirap daw ang mag isa lang sa bahay.. at isa din problema ko di din ako marunong sa mga gawain ng nanay like pamamalengke, mag budget. Kaya kelangan ko padin talaga ng guide ng mama ko. Intindihin mo na lang ung parents mo kase inaalalayan ka lang nila.. iniisip lang nila kapakanan mo dahil babae ka, ibig sabihin lang non mahal ka nila.

Magbasa pa