palabas lang po ng inis

yung mga mil nyo po ba palahinge din ng pera..simula ng nag asawa kame nakabukod na kame malayo kame sakanila..pero yung mil ko chat ng chat hinge ng hinge tuwing sasahod ang asawa ko..ok lang sakin kung isa hanggang 2 e hinde e..tsaka alam naman nya na kapos din kame kase yung sahod ng asawa ko pambayad lang sa bills at motor na hulugan may matitira samin konti lang kung hinde nga ako sinusustentuhan ng mother ko sa kangkungan kame pupulutin eh...parang lumalabas pati sya kargo ng nanay ko..tapos umanak ako via cs alam nya na ang laki ng bill namin kase private wala na nga syang naibigay na kahit konting tulong sya pa yung nanghihinge samin at nagpapabili ng bagong cp kase daw dinna makapag fb na ultimong load sa asawa ko hinihinge...nababasa ko lage sa chat nya sa asawa ko kase di naman nya sinasabi sakin..samantalang sila na lang ng father in law ko sa bahay may work ang father in law bata pa sila minsan nag ttricycle pag day off kase may sarili silang tricycle..nakaka stress naawa ako sa nanay ko parang kargo nya na kame lahat hayyy

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Kaka sad talaga pag ganito wag ka mag alala mamshie madaming ganyan situation been there kaya nakaka relate ako pero for me nakay partner mo yan mamshie sya ang need mag settle nyan lalo na mother nya yan ganyan kasi nangyari samin si hubby ko gumawa ng move kasi sinabi ko talaga that time na ok lang tumulong pero hindi obligado na habang buhay lalo na may family na. Like sabi u nga pati ba namn cellphone sa anak nya pa na alam naman nya nga kalagayan nyo.😔🤦🏼‍♀️ hindi ba na parang iniinis ka ng MIL mo? Ok ba kay0? Samin kasi ni hubby natauhan talaga sya kasi samin iba naman case as in nakatapos sya ng pag aaral dahil sa parents ko pinag aral talaga sya kasi sabi ng parents ko mahirap pag di nakatapos mahirap na mapapangasawa ko hindi nakatapos pano nga naman kami in the future take note sabay pa kami nun ni hubby pinapag aral ng parents ko malaking gastusin kasi medical field course ko . And sya aircraft maintenance. Madaling salita ngaun thankful kami kasi ok kami hindi man kami milyonaryo pero proud kami kung ano achievement meron kami. Kaya for me mamshie depende talaga yan kay hubby mo sya dapat gumawa ng moves mahirap kasi pag ikaw ang nag salita sa MIL mo dyn mag start yan talgang sagutan at hindi pag kakaintindihan🥺

Magbasa pa
VIP Member

Nakakalungkot isipin na parte talaga ito ng kulturang pilipino mommy. Yung Kahit nakabukod na at malayo na ang mga anak di pa din mawala ang utang na loob kaya no choice kundi mag abot pagmay nahingi. Even mother mo kung tutuusin diba dapat naeenjoy na din nya ng ayos yung pera nya kase sa kanya na dapat yun.. pero since never natiis ng nanay ang anak.. nagbibigay pa din sya sa inyo. Ang masasabi ko dyan.. dapat si hubby mo ang gumawa ng move kase ang new cellphone di naman necessity lalo if nagagamit pa naman yung luma. Set limits lang din sana. Pag uugatan ng away if ganyan na naglilihiman na kayo lalo issue sa pera. Usap kayo ng ayos ni hubby. Hindi masama magbigay pero sana masecure muna yung para sa family nyo kase kayo na dapat ang priority nya ngayon.

Magbasa pa
4y ago

my minsan kc momsh n my lip n d makausa pag dting sa ganyang matter ung biglang beast mode ang peg

parehong pareho tayo ng sitwasyon sis.. kumbaga yung bigay samin ni baby ng parents ko samin dapat yun.. e dahil wala ng ginawa yung MIL ko kundi humingi ng humingi pera e d sa kanila na napunta. eto namang asawa ko di naiisip yon. yung family ko full support samin.. tapos yung family nya ayuda ang tingin samin. pero pag may pera yung mga yon ni kamustahin yung anak nila wala. 🤬🤬🤬

Magbasa pa

Kausapin mo, momsh, si hubby mo. Baka kasi nasusustentuhan kayo ng mother mo kaya akala nya kaya pa ng budget nyo na pwede pa rin syang makapagbigay sa mother nya kahit di naman ganon ka necessary. Sya lang din kasi pwedeng tumanggi sa magulang nya kung talagang walang-wala or hindi na kasama sa budget.

Magbasa pa

ako nga embyerna sa mil ko kabwanan k na ngaun 3 conscutive months inuutangan nia lip k 10k a month until now walang bayd at nahingi n nan another 10k kmusta nan pang paanak k nito kaiintindi ng lip k ky mil naiinis aq kso mahrap mag slita sbihan kapang mdamot

bigyan nyo po 2k-3k. sabihin nyo, nay last na naming maibibigay to. gawin nyong puhunan, pangtinda ng meryenda, gulay, o kung ano. wala na talaga kaming maitutulong sa inyo kundi etong maliit na puhunan.

VIP Member

sakin hinde naman ganyan, sa halip nga ung mil ko pa ang nag bibigay if sa tingin nya na walang wala kami.