Dry Labor
Hi! Share ko lang po yung experience ko. Feb 16 EDD ko. Feb 5 nag start na mag contract, punta kmai agad ng hospital, pero nung IE ako, 1cm pa lang. No blood show and water break, kaya pinauwi muna kami.. Feb 8 morning nagising ako sa sobrang sakit ng puson ko, parang may dysmenorrhea. So nagtext ako sa OB ko but wala reply.. Nawala din naman yung sakit after 15 minutes so kalma lang muna kami.. Pero nung Feb 9 1am sumakit na naman siya, same pain din with water leak na pero sobrang konti lang. Text ulit ako sa OB.. Sabi niya punta na daw kami hospital. Nung na sa hospital na kami, IE ako 2am.. 1-2cm pa din but may bloody show na konti.. Wait ko OB.. Pina admit na ko.. 4am IE ulit pero 1-2cm pa din.. Observe muna for 6 hours.. Pero na sa labor room na ko. So pahinga muna ko.. Nakatulog.. 8:30 need IE, 1-2cm pa din.. So naglakad lakad muna ako ng 30 minutes.. Pag upo ko may blood pero konti lang.. 9am IE ulit 2-3cm na.. Pahinga muna ko.. 10am naglakad ulit for 30 minutes.. Pag upo ko sobrang dami ng dugo as in may buo buo na.. 11am IE ulit 2-3cm pa din.. And mataas pa din siya.. So call na nila OB ko para mag update.. Kasi sobrang dami na ng dugo and buo buo na.. 12:30pm dumating si OB, IE ako pero 2-3cm pa din.. So nag decide na ECS na ko kasi wala na daw din water sa loob, sobrang konti na.. 1:20 start operation.. Nahirapan sila kunin si baby kasi wala na talagang water sa loob.. Sobrang konti na lang.. 1:35pm nailabas na si baby!!!!! Buti na lang at sumugod kami agad sa hospital at text agad kay OB kasi kung binaliwala namin yun, baka di na nami kasama si baby ngayon. Sharing my experience na pag may nafifeel na kayong kakaiba, wag niyo na wait mag ka water leak or duguin kayo sa bahay.. Punta na kayo agad ng Hospital para masure na safe si baby. Thank you sa pag basa mga mommies!! ?
Mama of 1 handsome superhero