Blood discharge at 36w6d

Hi mga momsh. Sino po naka experience ng ganito. Nagwiwi kasi ako last wed tapos may blood na kasabay lumabas. So punta na kami hospital as per OB punta kapag may blood. Pag IE saken 1cm pa lang. Ininject lang ako ng steroids for lungs ni baby then pinauwe din. This morning thursat 1am pagwiwi nakita ko sa undies ko super madami ba blood. So takbo ulit ER ending IE then 2cm pa lang daw. Pinauwe ulit. Mga 4cm daw saka ako makafeel ng pain. May ganito na sa inyo na mdami blood still no signs of labor?

Blood discharge at 36w6d
19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

ganyan din sa akin July 02 bleeding na ako pumunta ako hospital Wala pa daw kaya pinauwi ako okay din Naman heartbeat ni baby. July 03 ganun pa din may dugo pa din tas sumasakit na sya Ng konti punta ako hospital pinauwi pa din ako Kasi malayo pa daw di pa daw ako manganganak. July 04 tindi na Ng sakit at may bleeding pa din kaya punta ulit hospital then inadmit na ako. Pina squat ako tsaka sabayan Ng ire pag masakit para daw mabilis bumaba si baby Sabi Ng doctor sa awa Ng Diyos Wala pa akong isang oras sa ospital lumabas na baby ko.

Magbasa pa

Ako..ganyan din sakin madaming blood pero no signs of labor and stuck lang lagi sa 2cm,pumunta na agad ako ospital oag IE sakin 2cm,di ako pinauwi nah stay ako sa ospital non kada IE nila laging 2cm at hindi rin ako naglabor kahit ininduce labor nako wala talaga ako pain naramdaman puro lang bleeding..hanggang sa na CS po ako..

Magbasa pa

Kapag sa mga public hosp usually 4cm bago ka i admit kasi ilang days minsan sa iba bago mapunta sa 4cm, like me 4 na araw bago mag progress from 1cm to 4cm, normal na dinudugo habang nag oopen ng cervix at madali po talaga mapuno ang pantyliner , I suggest magsuot ka po ng napkin or diaper

Ako nun sa baby ko una ng labor ako ng tanghali 3pm lumabas lang tubig tas akala k naihi lng ako sa panty then nanakit na balakang ko tas around 6pm ska mag dugu pag labas nun dugu dretso na un pti si baby dina umabot ng operating room haha labas plang ng hospital nkalabas na sya

VIP Member

Kamusta po nakaraos na po ba kayo? Ako po kasi konting blood lang lumabas sakin nun pag IE sakin 3cm na kaya pinaadmit na ako ng OB then nung gabi din na yun nanganak ako kasi nag 7cm ako agad e

4y ago

Saken momsh 1-2cm pa din. Kaya pinauwe din. No signs of labor din po. Pero okay naman si baby. Okay heartbeat. Wala di pa ganon ka open cervix. As per OB sa ER mga 2-3 days baka bumaba at sumakit na.

Hindi pa din. 2cm pa din kasi mga momsh. No sign pa din po ng labor.. Kaya pinauwe ulit po. Heartbeat ni baby okay naman.

Hi mga momsh.. Finally nakaraos.. Nauwe sa CS kasi stock to 2cm di din humilab khit induce.. Yun pala cord coil tight si baby whole body..

4y ago

Congrats po!!

Daming dugo naman yan, para karin may monthly period nyan.

VIP Member

ang dami nyo po dugo mommy, sa public hospital po ba kayo manganganak mommy?

4y ago

Maternity hospital mo mommy..

Not normal. Dapat naka admit npo kau mommy

4y ago

opo momsh,nakakaworried nman po nyan..para sa akin its better na pa admit na kayo para mas malaman at mamonitor ng doktor yung kundisyun nyo po laluna para safe si baby.