Bad mom

Hi share ko lang kasi feeling ko sasabog na utak ko kakaisip. feeling ko hindi ako mabuting ina sa anak ko. dont get me wrong,mahal na mahal ko anak ko. masaya ako nung duamting sya sa buhay naming mag asawa ,mahal ako ng asawa ko at masaya kami. pero minsan kasi naiinis ako sa baby ko, yung iyak sya ng iyak minsan parang umuugong sa tenga ko ang sakit sakit. minsan bigla ko na lang sya ibababa, magpapahinga ako sandali tapos titignan ko lang sya habang umiiyak. After non nagsosorry ako sa kanya. hindi ko alam kug bakit ako ganun. nagdadasal naman ako na sana gabayan ako ng diyos para maging mabuting ina. naiiyak ako ayoko ng ganito ako sa anak ko naaawa ako sa kanya.

28 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pagod ka lang momsh. Lahat tayong nanay napapagod. We all need a break from everything and everyone. Hanap ka ng makakasama mo. Ask for help, di masama na humingi tayo ng tulong lalo na para sa mga anak naman natin. Kaya mo yan!

6y ago

Mommy kaya mo yan. Ganyan din ako sa panganay ko, kahit kasama ko nanay ko syempre hands on pa rin ako. Feeling ko lang nakakabigla tho happy ako talaga sa baby mo. Yung tipong iiyak na lang din ako kasi umiiyak siya. Nalagpasan ko naman, 6 years old na panganay ko. Currently 30 weeks preggy sa bunso. Kaya mo po yan. Wag ka mahihiya na magsabi sa asawa mo, sa parents mo. Open up po. Big help yun sayo. 😊