Paano ba maging isang mabuting ina?

Ftm ako, dto ko nalang ilalabas since pwede maging anonymous. 4 months since nanganak at katulong ko naman ang asawa ko pag aalaga 6yrs bago kami nabiyayaan. Yung baby ko po kasi mejo iyakin at kulang na kulang ako sa patienceeee.😞 may time na sobrang iyak nya sa gabe nung mga 2 months palang sya at antok na antok na ko parang pabagsak yung ginawa ko sa kanya sa kama 😭 may time din na sa sobrang pagod ko maghapon nag iiiyak sya minsan tinitingnan ko nalang ang pag iyak nya naiinis na kasi ako tapos ngayon umaga antok na antok pa ko hawak sya ng hubby ko panay iyak sya nung kinuha ko umiiyak padin nahampas ko yung binti nya nasabi ko pa na Bat kaba iyak ng iyak? Napakasama kong ina baby palang ang anak ko nagagawa ko na mga ito sa kanya.😭😭😭 super naguiguilty ako at naiiyak. Mahal na mahal ko sobra ang anak ko higit pa sa buhay ko.😔😭 #1stimemom #firstbaby #advicepls

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Matulog ka. Kasi isa cause ng maikling patience ay kulang sa tulog. Pagbibigay na yung pasensya mo, bigay mo sa asawa mo at matulog ka. Para kahit magiiiyak siya may energy ka.

Related Articles