Hi mga mommiesss

Normal ba na minsan naiinis ako kay baby? May time na nasisigawan/napapagalitan ko siya sa kakulitan niya. Ako lang kase nag aalaga kay baby. Minsan ung tatay naman niya. Feeling ko naging mainisin na ko nung nagka anak 🥹 nakokonsensya ako sa anak ko, mahal na mahal ko po siya mga momshie. Wala ba kong kwenta g ina?

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Oo, normal lang na minsan ay maramdaman mo ang inis o frustrasyon hindi lamang sa iyong sanggol kundi pati na rin sa iyong partner. Ang pagiging magulang ay isang malaking pagbabago at maaaring magdala ng iba't ibang emosyon, kasama na ang stress, pagkapagod, at frustrasyon. Mahalaga na malaman na ang mga damdaming ito ay bahagi ng pagiging magulang at hindi nangangahulugan na ikaw ay isang masamang ina o partner. Ang pinakamahalaga ay kung paano mo haharapin ang mga sitwasyong ito. Narito ang ilang mga tip na maaaring makatulong: 1. Komunikasyon: I-open ang iyong mga saloobin sa iyong partner. Sabihin sa kanya kung ano ang iyong nararamdaman at diskusyunan kung paano kayo pareho makakatulong sa pag-aalaga ng inyong sanggol. 2. Humingi ng Tulong: Huwag matakot na humingi ng tulong. Maaaring ito ay mula sa iyong partner, pamilya, kaibigan, o mga propesyonal sa kalusugan. 3. Maglaan ng Oras para sa Iyong Sarili: Kahit na napakaliit na oras lamang, ang pagkakaroon ng oras para sa iyong sarili ay maaaring makatulong na mabawasan ang iyong stress. 4. Kumonsulta sa Isang Propesyonal: Kung ang iyong damdamin ay nagiging sobrang nakakabigat, maaaring makatulong ang pakikipag-ugnayan sa isang propesyonal sa kalusugan ng pangkaisipan. 5. Mag-ehersisyo at Kumain ng Malusog: Ang regular na ehersisyo at malusog na pagkain ay maaaring makatulong na mapanatili ang iyong lakas at enerhiya. Tandaan, mahalaga na pangalagaan mo rin ang iyong sariling kalusugan at kagalingan habang nag-aalaga ng iyong sanggol. Ang pagiging isang ina ay hindi madali, at okay lang na humingi ng tulong kung kailangan mo ito.

Magbasa pa

Nasa postpartum stage ka pa, ganyan din ako until now malaki laki na baby ko, nung maliit sya namumura ko pa kasi 24hrs na ko gising at pagod pero ang mahalaga naaalagaan mo sila mabuti minsan okay lang magvent pero make sure wag pipisikalin si baby pwede mo ivent out sa ibang bagay like maglamutak ka ng stress ball kurutin mo yung unan sumigaw ka na nakadapa sa unan hehe. Malalampasan mo din yan, ako back to zero ulit pregnant ulit ako at for sure pagdadaanan ko na naman yung mga traumatic incidences na naexperience ko on my 1st baby but this time mejo may alam alam ka na pano ihandle kasi 2nd time mom na. Laban lang mga mommies tayo tayo lang makakaintindi sa mga pinagdadaanan natin. Balang araw ilu look back mo na lang mga paghihirap sa pag aalaga noong mga baby pa sila. Maiisip mo, ay grabe nalampasan ko yun? Ang strong ko naman pala 💛

Magbasa pa

Remind yourself na wala magagawa ang paninigaw sakanila, di din sila susunod and sayang sa energy yan. And based sa experience ko sa mom ko na mahilig manigaw at magbuntong ng galit saakin simula nung di pa ko nag-aaral hanggang pagtanda, is believe me makakasanayan mo yan. Hanggat maaga, istrive mong maging mahinahon. Di lang yan para sa anak mo, para sayo rin. Kita din sa mom ko yung frustration sa mukha nya, bilis nya tumanda. Saka di kami affectionate lahat sakanya kasi sanay syang naninigaw at mag vent out. Di ko issugar coat sinasabi ko kasi yan effect sa family. Nakakafrustrate din anak ko madalas at sa isip ko pinapalo ko na sya haha, sobrang frustrated sabay mo pa work at puyat. Pero ayun wala magagawa paninigaw beh.

Magbasa pa
9mo ago

Nagttry ako na every maffrustrate ako sakanya sa isip ko nalang yun, di ko ipput to action. Powerful din ang pagsasalita, try na pagsabihan mo anak mo kahit di ka pa nya naiintindihan, practice yan. Be mindful sa words kasi lahat yan maisasabuhay ng anak mo.

naiinis ako pero hindi sa baby ko mismo dun sa sitwasyon na bakit kaya ganon. na parang ano ba yan bakit kaya hindi ka pa natutulog anong oras na. bakit napaka bugnutin at iyakin o ano man na may halong worried at naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko maasikaso siguro ng maayos or hoping palagi na sana hindi na umiyak. etc.. o minsan gutom na gutom na kasi ako nakakaubos pasensya

Magbasa pa
9mo ago

Just Be kind to yourself, and be sympathetic to baby. Alagaan ang sarili-- kailangan nyo rin po ng sapat na kain, tulog, ligo... Si baby naman, hindi pa kaya magsalita at lahat ng mga discomfort ay dinadaan lang sa iyak. Isipin mo, naiinitan ka pero hindi mo masabi, pero pilit kang pinapainom ng gatas, or pinapadighay, hinehele, etc... how frustrating it must be na hindi mo masabi at makuha ang gusto mo. Not to mention during Baby Growth Spurt, sobrang discomfort ang nararamdaman nila...

Waaaah, aqu ngaun mie natatawa nlng sa self qu. Nun kasi sabi qu sa frends qu, d mu qu makikitang magagalit kasi super haba ng pacnxia qu, pero sabi nila kahit anung haba ng pcnxia mu, mauubos at mauubos din. And to this day, feel qu na sya mie. nauubos dn pala tlga minsan🤣🥹. 🥰🥰🥰 anhirap tlga pag mag isa klng nag aalaga, hugs to you😘😘😘

Magbasa pa

ganyan ganyan ako mi, pero pilit kong kinakalma sarili ko.Tulad mong ako lang rin nag aalaga kay baby at di maasahan ang dada nya, dahil kargahin lang sya e nag iiyak na, gusto lagi sakin. Minsan masasabi ko pang bat ako lang pinahihirapan. Pahabaan nalang talaga ng pasensya at laging pray.

hindi ka lang po nag iisa mii. gnyan din ako now. napapalo ko kc sobrang kulit na nangangasar pa kaya napapalo ko minsan. nagiguilty nga ako pero hndi kc natatakot khit kanino anak ko. napakahyper tlga. spoiled pa sa MIL at FIL ko. haays

Mahirap po talagang maging patient and kind kapag tayo mismo ay pagod at stressed. So make sure that you also take care of yourself, get enough food and rest, para may energy para mag-alaga ng ibang tao 🤗

Same 😔 mag 1 month palang kakapanganak sa 2nd baby at halos mag isa nag aalaga sa 2.. Laban lang mommy malalagpasan din natin to.

Akala ko ako lng yong ganun Kya naisip Ang sama kung Ina Kase naiinis ako sa baby ko.