Frustrating

Share ko lang dahilan ng frustration ko this early morning. Yung kagigising mo pa lang tas eto bubungad sayo. Message eto from my lip's younger sister (pero may chat din sa akin na ganyan ayaw ko lang iseen) Don't get me wrong, I'm in good terms with his family, pero when it comes to my baby, ayaw kong nangingialam sila. My baby is just 4 months old and gusto nila subuan ko na ng Chocolate? Take note ha, SUBUAN hindi tikim. Kase yung pinsan ng daughter ko (which is a month older than her) ay nasa kanila, sila nag-aalaga since working ang mommy. Eh pinapakain na daw nila kahit paonti-onti 🤦‍♀️Oh God! Any advice on how to respond to this message? Ayoko ko silang sundin kase alam ko what's best for my baby, pero ayoko ring sumama ang image ko sa kanila just because hindi ko sila sinunod. But knowing his mother's attitude, magagalit yun pag hindi sinunod ang gusto at sinabi nya. Matanda na kase. Tho nabasa ko sa acc ni lip na nireplyan nya sister nya, sabi nya pag 6 months na daw namin pakakainin. Pero talagang iniinsist nila na pakainin na daw namin para hindi mapili sa pagkain paglaki. And may same experience po ba kayo like mine? Ano po ginawa nyo? Thanks in advance.

Frustrating
54 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

wag ka na makipag away, mag agree ka nalang pero wag mo gawin 😅 minsan ganyan nga kami sa pedia ko.. sabi niya pakainin na ng meat ung 5 month old ko pero di ko pa muna gagawin. siguro around 6 months na lang hehe

VIP Member

rmag reply ka na lang ng sige. tas wag mo na lang sundin. kc alam naman nating lahat na 6 months tlga dapat pakakainin ung baby. pra lang di lumaki ung issue. pag tinanong ka ulit sabihin mo oo kht hindi naman tlga.

Ahahaha sknila mo isubo ung balunbalunan ng manok sis, mga siraulo ang liit pa ng 4mos ano tingin nla sa baby mo malaking tao na nakopo! 6mos pagpapakain ky baby kht sa center or sa ospital ina-advice yan. ✔️

Ako momsh ok lang nirereply ko para wala nalang mahaba pang paliwanagan. Pero at the end of the day my rules will apply pa din. Ang alam kong di pwd hndi ko sya gagawin. Pra nalang di din sumama loob nila.

just simply say no. wala naman masama don. may kanya kanya tayong paniniwala kailngan nilang tanggapin yon. Kung sa kanila ganon sila kamo sayo hindi. nakabukod kana nga e. pati un pakikielaman pa jusko.

VIP Member

same experience with my inlaw. although ayaw ko noon iniinsist nila. pero d ko Naman sinunod. it's my child. I can decide whatever I want and I know what's best for him. hayaan mo nlng sila mommy.

bawal po..pwede po ninyo direct sbhn .. tell directly na ayaw po ninyo at sbhn ninyo un sabi ng midwife or pedia ng baby na dapat 6 months or chocolates is1year pa yan bgo matikman ng baby

VIP Member

haha medyo relate MIL ko pilit pinapainom si baby ng water magtwo months palang si lo ko sinabihan ko talagang bawal pa kiber ko po kung magalit sya hellllloooo anak ko yun e

sakin at the age of 4mos. pinakain ko na baby ko,kasi may signs naman na ready to eat na sya,pero mashed patatas with breastmilk ung pinakain ko...ano konek ng balun balunan?

4y ago

Wala naman kinalaman ang maagang pagpapakain sa pagiging pihikan hahahaha kapatid ko nga ganyan ginawa ang arte sa pagkain. Hello 2021 maging open minded na tayo goodbye sa mga myth or pamahiin baka ipahamak pa ng anak nyo jusko 😅

Replyan mo na lang ng "OK". Ikaw parin naman po masusunod, tas pag inusisa pa nila ulit, dun kana lang mag react, may rules ka kamo at bilin talaga ng pedia yun. 😌