Kailan mo nalaman na ready ka nang mag-settle down?

Moms, paano at kailan mo nalaman na ready ka nang mag-settle down?

Kailan mo nalaman na ready ka nang mag-settle down?
89 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Nalaman kong ready na akong mag settle down noong unti unti kong napapansin na ang mga binibili kong mga pangunahing bagay ay hindi na pala para sa aking mga personal na pangangailangan kundi sa pamilya ko. Napansin ko ito noong ang mga binibili ko ay mga gamit sa bahay at maintenance ng mga magulang ko at hindi na beauty products. At napatunayan kong ready na ako ngayong may sarili na akong pamilya kasi masaya akong mag "add to cart" ng lahat ng baby essentials and no other. Ang tanging para sa akin lang ay maternity undies at pang kilay!

Magbasa pa