✕

62 Replies

Naalala ko nung manganganak na ko ganyan din yung asawa ko parang nakalimutan kong naglalabor ako kasi sobrang taranta nya sa pag aasikaso ng mga dadalhin na gamit mula sa panganay hanggang ngayon na second baby na namin sobrang maalaga nya kahit pagod sa work sya pa maghuhugas ng plato tapos pag sunday maglalaba naman medyo maselan kasi ako kaya pag kaya ko ginagawa ko na nakakaawa din kasi pagod na sya pero pag may masakit sakin check up agad minsan sabi nila oa na daw ganun talaga sya nung magagawa diba tapos dahil sobrang init ngayon 6am palang hinihila na nya ko sa cr para liguan😂para kong bata sabi nya sobrang init daw tapos kain patutulugin ulit ako sobrang swerte kasi di lahat ng lalaki ganun😊.

buti pa kau gnyan asawa nio...masswerte kau...asawa ko madlas stress pa ibbigay sau haha..sabi nga nia ndi exemption buntis kaya kapag nagaway kau aawayin ka tlga walng buntis buntis kaya mdalas ako umiyak..kakaingit kau

Oo meron oa din tulad ng partner ko. Hindi ako pnpbyaan kaht nasa bahay lang. Sobrang matulungin at ayaw ako paglinisin ng bahay. Gsto nkapahnga ako plagi at hndi ako hnhyaang mapagod. Lalo nung nagkalindol nasa banyo pa ako at naglilinis kinakatok ako ng knkatok at sobrang alala skin. Tuwing magpapacheck up dn at ihahatid sa work nakakatuwa na sobrang gentleman. Hahawakan pa ako sa kamay na parang princess lang ang peg pag bababa ng bus. Never sya nagbago noon hanggang sa buntis ako napaka maalalahanin at pinalaki talaga ng tama at may disiplina sa pagtrato ng babae. Sobrang blessed ko. Hindi lang skn mabait pati na ibng tao.

Kahit mag bf/gf pa lang kami ngayon maalaga naman siya tuwing pumupunta ako sa kanila pinagluluto niya ko tapos siya na din naghahain gusto niya siya din magsubo sakin at maglagay ng tubig sa baso ko. Pagkatapos pa namin kumain gusto niya siya din maghuhugas ng pinagkainan namin tapos uupo siya then iihug ako at ikikiss sabay sabi ng I love you pero di ko lang alam kung may magbabago ba pag kinasal na kami at magsama sa iisang bahay. Pero ang tanging sinabi niya sakin na hindi ko makakalimutan ay yung hinding hindi niya kami pababayaan ni baby kahit anong mangyari kaya yun yung pinanghahawakan ko.

Ganyan din ang asawa KO.. Nung di pa ako buntis hanggang sa mag 5months na Kong preggy, sobrang mapagmahal at maasikaso niya.. Nung minsang moody ako, di siya nakikipagsabayan, ang lawak ng pang unawa niya.. Bago pumasok sa work at pagkauwi, lagi siya yumayakap at nag iiloveyou heheh.. Kinikiss din niya lagi at kinakausap niya baby namin sa tummy KO.. Pag si Lord talaga ang nagbigay, laging sapat o higit pa..

VIP Member

Salute saming mga daddy. Danas q yung pagiging house husband. Ako lahat alaga kay baby,asikaso s bahay,laba luto. Cmula ng nagbuntis si misis s panganay nmin ako n lahat ngaun buntis ulit sya pero skin p dn lahat. Masaya at fulfilling naman khit nakakapagod lalo kung mkikita mo ung baby mo n masayahin,bungisngis tpos lakas lumamon. Lahat ng iluto q kain sya tlaga hahaha.

VIP Member

Proud of my hubby too! He bought a house nung nagkababy kami and nasa haus lang sya lage since yung business nya hinde naman need na umaalis lage. He's the one taking care of my son now that I'm pregnant. Hinde sya sanay sa gawain bahay kase lumaki sila sa yaya pero now nagadjust sya kase wala na kami maid. Im really happy i found him 😍

Thank you po. God bless you too 😘😘😘

sana all..pero blessed din nman ako sakanya..di lang nga masyado sa financial ksi mahirap lng tlga kmi. .pero yung kumpleto at masayang pamilya..tpos maka Dyos pa sya..thumbs up talaga! bukod sa malambing sa amin ng mga anak ko..kaya nya din mag all around house husband.

Ako na omay na lagi nlng paalala na take your medicine eat healthy food hyyy pero thankfull ako kci super bait nia kahit malayo xia at medjo nag nosebleed nku love you my hubby baby 😘😘😘

Sobrang blessed nga po 😍 nakakatuwa Naman.. ako din blessed sa asawa ko though nakilos din ako sa bahay Kasi nagwowork sya hanggat Kaya nya sya gumagawa.. God's gift talaga..

Sana lahat pwede magkasama ☚ī¸ kami kasi hindi pa makapag sama, may inaasikaso pa sya. Tiis tiis lang din muna kami ni baby pero blessed pa din ako sa daddy ng baby ko 💕

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles