Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Baby JL's Mommy
Nagngingipin
Good afternoon po mga momshies. Ask ko lng kung ano po ung pang reliever nyo nung nagngingipin si baby.. iyak po kasi ng iyak, kinakagat lagi ung nipples ko, pagnagugulat ako sa kagat niya umiiyak.. minsan, basta basta na lang umiiyak, d ko alam kung normal ba yun sa nagngingipin,, sumasakit ba ung gums nila pag may bagong patubo?
Kailan pwede painumin ng tempra
Mga momsh, naglalaro sa 37.7 or 38 ang temp ni baby ko, ok lang ba painumin sya ng tempra khit d pa nkakadede? Nagising kasi ako mataas parin lagnat ng baby ko, napainom ko na ng tempra kanina before kami magsleep ng 10
Bungang Araw?
Hi mga mommies.. ask ko lang kung may bungang araw ba talaga ito, may bungang araw ba na pati braso meron? Meron po kasi sa likod, leeg, at braso, meron din sa hita.. sa tiyan at binti wala naman.. ano po ba gnagamot nyo jan mga mommies? Thanks..
Sss mat2 requirements..
Pwede po ba magtanong,, alam niyo po ba kung ano mga requirements sa mat 2? Nanganak po kasi ako last year pa, nag pasa na din ako ng mat 2 requirements, kaya lang hanggang ngayon d pa naaapprove.. ang laging sinasabi waiting parin ng approval, ichecheck ang mga pinasa.. mag 1 year old na baby ko, wala parin.. nag email na din ako, kaso ganun din ang sinasagot.. baka po may nakaexperience ng same scenario,, ito po mga details ko: - nagresign na po ako sa work, Aug. 21, 2019 - nalaman ko pong buntis ako, Oct. 5, 2019 - nagpasa ako ng mat1 sa sss sta mesa branch. - separated member ako, kasi po resign na nga po ako.. - normal delivery - mga pinasa ko: medical record sa hospital; original birth certificate ng baby ko; COE; qualified na makakaavail ng benefit dhil complete contribution ko po Salamat po sa sasagot.. sana po may makapansin..
Pre-Loved Baby Boy Clothes
Hi mga mommies, sino po gusto bumili ng preloved baby boy clothes. Fundraising lang po para sa nalalapit na 1st Bday ng baby ko.. Tshirt- 15pcs Sando- 8pcs Shorts- 3pcs Pajamas- 3pcs Take all for P500.00, pambahay po mga yan at pangtulog Yung branded po na mga pang alis, may nga di nagamit, yung iba 1-2x lang po nagamit, mababa ko na lang po ibibigay, pm nyo po ako sa fb: jldhesjhet otnarac zuproc. Makati area po ako..
Medicine for baby
Goodafternoon. Ano po kaya pwedeng gamot sa 8months old baby, may ubo't sipon po kasi.. yung mabibili po sa mercury.. salamat..
Mens after 5 months manganak
Ask ko lang po kung normal lang or may same situation po ako dito. Mixed po ang baby ko, breastmilk, at may formula din, pero madalas breastfeeding po ako. After 5 months po kasi nung nanganak po ako, nagkamens ako ng sept 25, nagtagal po ung mens ko ng almost 2 weeks siguro po mga october 10.. then ngayon nagkaroon po uli ako from october 17- up to now nov 7.. 3 weeks na po ako merong mens, at ngayong madaling araw sobrang lakas ng dugo ko, as in parang bulwak, napuno agad ung napkin ko at natagusan din ung shorts ko. Kaya itong madaling araw naglaba po ako ng wala sa oras.. Sana po may makapansin sa post ko, at masagot po ako.. di po kasi ako makapagpacheck up gawa na kapos din po ako at di pa po makapasok sa work ang asawa ko dahil nagkasakit din... thank you po God bless
back pain, ftm, 26weeks preggy
Mga momshie, pahelp naman po.. ano po ba ang ginagawa niyo, ilang araw ko na din dinadaing yung sakit ng likod ko, pasumpong sumpong pero napapadalas na.. parang ngalay ba o lamig.. minsan naman balakang hanggang hita ko ang sumasakit, pero pakiramdam ko parang rayuma na di ko alam.. sumasakit kasi mula kanina hanggang ngayon.. d nman po Kasi makapagpacheck up, may pinagggamitan na din kasi yung sa sahod ng asawa ko.. linggo din kasi ngayon.. nasa work pa hanggang ngayon ang asawa ko, wala akong masabihan nito..
Sorry, Palabas Lang po ng Hinaing
Excited na ako malaman Kung ano na gender ni baby.. 6th month pregnant na ako d ko pa nalalaman.. nalulungkot ako kasi Yung naipon na benta na para sa ultrasound, hihiramin pala ni hubby panggastos sa work, pamasahe at pangkain niya.. Yung tipong nagpasched na ako for ultrasound, pero pinacancel niya dhil marami pa kaming gastusin... Nalulungkot talaga ako, halagang 650 Lang naman, sobrang excited ko na nga, binitin pa niya... Naiyak pa ako nun,, pero inintindi ko na lang tlaga ang sitwasyon namin...
16weeks pregnant
Ask KO lang po.. Normal lang po ba yun, di KO po kasi nararamdaman na gumagalaw ang baby KO sa tiyan KO.. Kailan lang naman po kami nag pa ultrasound, itong Nov 14, pang 15weeks nya nun, OK naman daw po ang heartbeat, nasa tamang pwesto ang inunan pero yung baby hindi.. Ngayong 16weeks and 3days na po nya, hanggang ngayon di ko parin sya nararamdaman.. May ibang mommies naman, kahit 17 weeks, magalaw daw ang baby nya..