Sched for CS

Sa mga sched CS moms pasagot naman po 😊 *During operation, tulog po ba o gising kayo? *Ano po mga kelangan dalhin sa hospital? *Ilang days po kayo nagstay sa hospital? *Kelan pwede madischarge? *Niregla po ba kayo agad after manganak? *Magkano po total bill nyo with philhealth? At any tips pa po... Maraming salamat sa mga sasagot, napakalaking help po saming ftm na sched for CS 🙏

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

1. during operation gising ako pero numb naman ako. nakikipag chismisan pa ko sa ob and anes ko 2. depende kung kasama sa package sa hospital ung after care . sa case ng baby ko, may free damit si hospital kaya going home lang nagamit. ung pampaligo etc kasama sa package. sakin naman, ganun din package na din ung mga post op needs ko like adult diaper etc. 3. sat ng 3:30 ako nagpunta sa hosp then nakalabas kami ng monday afternoon. so bali 2days 2 nights? 🤣 4. depende din to. sa ob ko, hindi na ko hinintay maka poop. inask lang nya ko if nakakawiwi na ba ko and nakaka utot. inask lang din nya ung pain ng tahi ko then good to go na. 5. ebf ako, 4mos pp ako dinatnan tapos inabot ng 10 days. naipon yata 😂 6. private hosp ako, 86k all in TIPS - make sure mahigpit ung binder mo paglabas mo ng OR. kaya pala ako hirap na hirap tumayo at parang bubuka dahil pala di mahigpit ung binder ko tapos umangat. kaya pala parang bubuka tahi ko nung nag tatry ako tumayo 😭 - normal po ang chills during op or post op. - kung OA ka like me, request mo sa OB mo if pwede hindi gasa gamitin sa tahi mo kundi tegaderm para hindi ka mahirapan maligo. sa case ko, si OB mismo nagsabi sakin na mag prep prior kasi di naman kasama sa package kaya may bitbit akong sarili ko 😂 - wag ma stress kung wala ka agad breastmilk. usually 3-5 days bago magka milk. unli latch lang. kahit walang nalabas na milk sayo at madami naman wiwi si baby at poops, ur good ftm ako, 7mos pp, dami ko pa natutunan pero ok na yan 😂

Magbasa pa

1. Gising po ako. Although yung ibang mothers e pinapatulog. Ako kailangan ko daw po manatili na gising para daw mas madali malaman kung okay kami ni baby. Parang nakakaantok kasi ung anesthesia, kaya kinakausap ako lagi nung anesthesiologist tsaka nubg ibang nasa delivery room 2. Full set ng gamit no baby, diaper mo tsaka pamalit na damit habang nasa ospital, pagkain, gamit ng bantay mo, tsaka mga importanteng dokumento 3. 5 days ako nag stay. Depende kasi yan kung okay ka na, at kung okay na din makalabas si baby mo. 4. Gaya ng sabi ko sa number 3, dapat pareho na kayu okay ng baby mo. Sa case ko, nauna ko naayus ung mga clearance ko. Si baby, medyo na delay ng 1 day kasi tinignan pa sya ng cardiologist bago binigyan ng clearance. 5. 2 months after ako manganak nagkaroon na ako. Hindi kasi ako exclusive breastfeeding. Ang sabi nung OB ko, kung EBF ka e pinakamabilis na ung 6 months bago ka reglahin. 7. S public hospital ako pero consultant ung doctor ko. Meaning, babayadan mo ung professional fee nila. At pinili ko din na private ung room ko. Ang total bill namin is 150k+++, pero nung nag deduct na si Philhealth e 90k+++ na lang. Waived na din ung bayad ko sa Myomectomy, discretion na yun ng doctor ko. Kung CS ka at sa public hospital, mag ready ka na kasi di ganun kaganda yung services at facilities compared sa private. Pero, ung doctor ko kasi e magaling kaya okay na din.

Magbasa pa
VIP Member

*During operation - Gising po ako, then nung nailabas na po si baby tsaka lang po dinagdagan yung pampatulog. *Mga kailangan dalin- Hospital bag na may gamit mo po at ni baby. Sama mo na din po gamit ni daddy if sya Yung bantay. Mga essentials ni baby like babywash, diapers, alcohol, wipes ganun po. Then don't forget mga documents mo po and ID's na rin if in case lng naman para sure. *2 days po ako nag stay dun na discharge na din po ako kaagad, basta cleared ka na at wala na kahit ano Mang complications. * Yung bleeding ko after manganak tumagal din pero di naman malakas. January na bumalik period ko. Pure breastfeed po si baby. * total bill ko po 100,130 bawas na po dyan Ang Phil.health at discounts from my doctor's. Plus bill ng baby ko na umabot ng 74, 630 bawas na din po Ang philhealth dyan since na NICU po sya. Nasa 200k+ din total bill namin mag Ina 😅Private hospital po. kaya mo po yan mi, ako din po nung una sobrang kabado since this is my first time. Pero during the surgery at nakita ko na si baby sobrang saya ko. Mabilis naman din po ako nakarecover sa una lng po talaga masakit since CS ka pero once nakikita mo si baby all pains are worth it. 😊 praying for your safe delivery mi

Magbasa pa
2y ago

Hi Mi, saang hospital po kayo?

*gising po ako non ( pero kinakausap ako ng pedia at anestesiologist the entire operation pinapatawa nila ako pero ako antok na antok na haha) *damit mo at damit ni baby, make sure may night flow napkin ka. Dala ka din oatmeal incase laki tulong para maka poop ka. *2 days kme kse 2 days after operation pa ako naka poop don ko lang nalaman na kung dipala ako naka poop e di kme mkklabas, salamat tlga sa oatmeal. *bsta maka poop at utot at normal na color ng ihi makakalabas na kayo *di ako nagmens pa (2 mos old na si baby ko) pero halos 2 weeks ako dinugo after cs *140 bill namen non, less na philhealth tip ko sayo ilatch mo ng ilatch si baby khit wala nalabas pa na gatas sayo, wag mo iformula kahit anong mangyare magkakagatas ka..mg hotcompress ka lang, goodluck! FTM din ako, mas mahirap mag alaga mg bata kesa magbuntis at manganak. 🤣 nagbaby blues ako ng 1 week kse exhausted ako literal walang tulog at di makatulog sa puyat kse nga nangangapa pa ako pag aalaga. Madalas ako umiiyak, tulala,lutang at sobrang pagod talaga. Pero now, kinakaya eto ang baby ko mejo madaldal na kht 2 mos old pa lang.

Magbasa pa

*During Operation Gising na gising po ako at naririnig ko bawat sinasabi ng mga medical team *dalhin mo mga documents na kelangan.. yung hospital bag na may gamit mo at gamit ni baby gawin mo na good for 4 days + extras incase kelangan since CS ka . saka mga essentials ni baby like babywash, diapers, cotton balls,alcohol etc *3 days usually ang CS basta cleared na at wala ka complications * yung bleeding ko after manganak umabot ng 6weeks which is normal as long as hindi heavy bleeding.. then Bumalik period ko nitong January lang 10 1/2 mos old na baby ko Exclusive breastfed baby. *total bill ko sa akin palang 120k naminus na dyan Philhealth tapos yung Kay baby ko since na NICU siya dahil nagka sepsis nasa 100k plus din bill ni baby.. halos 250k total bill namin.. Provincial Private hospital tips? Pray lang po mommy kaya mo yan.. wag ka kakabahan isipin mo ma eexcite ka kasi makikita mo na baby mo🥰 at kung kaya mo na gumalaw after manganak like after 24hours magkilos ka na naaayon sa kaya mo para mabilis ka makarecover.. Godbless

Magbasa pa
2y ago

yung sa baby ko po dahil manganganak na ko nagka UTI pa ako.. kaya untreated yung UTI ko nun naipasa ko Kay baby po infection ... 🥺 Pero good thing po bago kami makalabas nadetect agad yung sepsis ni baby at nakapag antibiotics siya sa NICU for 1week.. kahit napamahal atleast gumaling ang baby ko ngayon kaka 1yo lang niya

VIP Member

🔹During operation: Gising po ako. 😊 🔹Things to bring: I suggest you watch these youtube videos of Mom Jacq sa youtube, she's a nurse too and sa kanya ako kumuha ng ideas on what things to bring sa hospital. 1️⃣https://youtu.be/SxHPlK-LvWA 2️⃣https://youtu.be/V0CH5PzM_Jw 3️⃣https://youtu.be/fe_4a3FS_QU You can watch her other videos as well. Super helpful! 🔹Hospital Stay: 2 days only. 🔹Discharge: Ako po after 2 days na discharge na. Pag wala naman po kayong problema ni baby, 2-3 days po makakalabas na kayo ng hospital. 🔹Menstruation: Niregla po ako nung 3 months na si baby, hindi rin kasi ako nakapagbreastfeed kaya mabilis lang po ako nagkaron ng period. 🔹Total bill: around 50-60k po, private hospital. pero case to case basis, usually around 60-100k yan. God bless your journey, mommy! 😊

Magbasa pa
2y ago

Sure mommy. Enjoy the journey and may you have a safe delivery. God bless you both. 💗

1. pinatulog ako pero nagising ako during operation nakita ko lahat ng ginagawa sakin dahil sa reflection nung operation light. 2. damit ng baby atleast oang 3 to 4 days (pang swaddle, lampin,damit,diapers,petroleum for babys,bulak,alcohol,mittens,socks ni baby,wipes) 3. 3days stay sa hospital (operation days,healing,discharge day) 4. maddischarge ka KAPAG NAKA UTOT AT NAKA DUMI KANA,pilitin mong gumalaw at bumangon kinabukasan matapos kang ma CS. 5. hindi regla tawag dun after manganak, and yes duduguin ka atleast 1mon and spottings. 6. 85k CS, 53k nabayaran cash malaki din bawas ng Philhealth. note:dala ka din diaper mo, after tanggalin ng catheter mo kailangan mo mag diaper. pag naka uwi kana pilitin mo parin gumalaw galaw, para bumilis pag galing mo. 2weeks sakin nakapag lakad na ko ng tuwid. xmpre linis tahi everyday

Magbasa pa

hindi ako scheduled cs eh... nagla labor na ako hiniling ko i cs nalang coz di na kayanan sakit ng labor * pinatulog nila ako pero di umepekto sakin so gising ako nakikinig ako sa music nila hahahaha. kaya gising ako nag bara yung ilong ko and di makapasok oxygen so nag focus ako sa pag hinga ko sa bibig throughout the operation ( kabado ako makatulog eh di ko alam mangyayari nun) * damit, mommy essentials, binder, damit ni baby ( di ako nag bottle first time mom ako nag skin to skin contact lang kami ni baby laking gulat ko after nagka milk agad agad. * 3 days * after ka nilang palakarin or maka utot or ihi * bago palang me hehe 1 month postpartum * 44k private at fabella hospital, private ob din

Magbasa pa

Oct. 16-20 edd, pero nagpa sched. CS Oct.1, dahil paalis na din Mister at gusto ko magkita muna sila ni Baby bago sya umalis.. and ayun punayag naman si OB😊 *gising ako during operation, dahil sobrang important daw ang skin-to-skin (me&baby) paglabas nya palang, rinig na rinig ko yung unang pag iyak nya, ang sarap sa feeling🥹 *nag prepare ako ng hospital bags for me, for baby and for hubby syempre, included documents and extras (clothes) *3 days lang kami sa hospital, 3rd day discharged na kami *right after mo manganak, talagang may bleeding.. sakin umabot 10days, then yung regular mens ko after 2mos lang meron na.. *total bill 32K,less philhealth Private Hospital dito sa Nueva Ecija😊

Magbasa pa

-During operation tulog ako kasi pagod naden ecs ako cord coil ginising nalang ako ng nakalabas na si baby -madami dami den pero pag private ka minsan saknila mang gagaling mga diaper (sakin kasi ganon ewan lang sa ibang private) pero may dala lang den ako pamalit.. -nag stay kami 3days 2nights -kapag okay nakayo ni baby at wala ng problema like walang komplikasyon kay baby -di sya regla dugo sya sa pagkapanganak mo un tawag nila mga 1month ata ako may dugo non -total bill namin 100k+ samin na ni baby un tapos may bawas sa philhealth total bg binayaran nmin is 81k -pray lang mami at lakasan mo lang loob mo🙏🏻 goodluck mi❤️

Magbasa pa