Sched for CS

Sa mga sched CS moms pasagot naman po 😊 *During operation, tulog po ba o gising kayo? *Ano po mga kelangan dalhin sa hospital? *Ilang days po kayo nagstay sa hospital? *Kelan pwede madischarge? *Niregla po ba kayo agad after manganak? *Magkano po total bill nyo with philhealth? At any tips pa po... Maraming salamat sa mga sasagot, napakalaking help po saming ftm na sched for CS 🙏

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

*gising po ako non ( pero kinakausap ako ng pedia at anestesiologist the entire operation pinapatawa nila ako pero ako antok na antok na haha) *damit mo at damit ni baby, make sure may night flow napkin ka. Dala ka din oatmeal incase laki tulong para maka poop ka. *2 days kme kse 2 days after operation pa ako naka poop don ko lang nalaman na kung dipala ako naka poop e di kme mkklabas, salamat tlga sa oatmeal. *bsta maka poop at utot at normal na color ng ihi makakalabas na kayo *di ako nagmens pa (2 mos old na si baby ko) pero halos 2 weeks ako dinugo after cs *140 bill namen non, less na philhealth tip ko sayo ilatch mo ng ilatch si baby khit wala nalabas pa na gatas sayo, wag mo iformula kahit anong mangyare magkakagatas ka..mg hotcompress ka lang, goodluck! FTM din ako, mas mahirap mag alaga mg bata kesa magbuntis at manganak. 🤣 nagbaby blues ako ng 1 week kse exhausted ako literal walang tulog at di makatulog sa puyat kse nga nangangapa pa ako pag aalaga. Madalas ako umiiyak, tulala,lutang at sobrang pagod talaga. Pero now, kinakaya eto ang baby ko mejo madaldal na kht 2 mos old pa lang.

Magbasa pa