Sched for CS

Sa mga sched CS moms pasagot naman po 😊 *During operation, tulog po ba o gising kayo? *Ano po mga kelangan dalhin sa hospital? *Ilang days po kayo nagstay sa hospital? *Kelan pwede madischarge? *Niregla po ba kayo agad after manganak? *Magkano po total bill nyo with philhealth? At any tips pa po... Maraming salamat sa mga sasagot, napakalaking help po saming ftm na sched for CS 🙏

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

1. Gising po ako. Although yung ibang mothers e pinapatulog. Ako kailangan ko daw po manatili na gising para daw mas madali malaman kung okay kami ni baby. Parang nakakaantok kasi ung anesthesia, kaya kinakausap ako lagi nung anesthesiologist tsaka nubg ibang nasa delivery room 2. Full set ng gamit no baby, diaper mo tsaka pamalit na damit habang nasa ospital, pagkain, gamit ng bantay mo, tsaka mga importanteng dokumento 3. 5 days ako nag stay. Depende kasi yan kung okay ka na, at kung okay na din makalabas si baby mo. 4. Gaya ng sabi ko sa number 3, dapat pareho na kayu okay ng baby mo. Sa case ko, nauna ko naayus ung mga clearance ko. Si baby, medyo na delay ng 1 day kasi tinignan pa sya ng cardiologist bago binigyan ng clearance. 5. 2 months after ako manganak nagkaroon na ako. Hindi kasi ako exclusive breastfeeding. Ang sabi nung OB ko, kung EBF ka e pinakamabilis na ung 6 months bago ka reglahin. 7. S public hospital ako pero consultant ung doctor ko. Meaning, babayadan mo ung professional fee nila. At pinili ko din na private ung room ko. Ang total bill namin is 150k+++, pero nung nag deduct na si Philhealth e 90k+++ na lang. Waived na din ung bayad ko sa Myomectomy, discretion na yun ng doctor ko. Kung CS ka at sa public hospital, mag ready ka na kasi di ganun kaganda yung services at facilities compared sa private. Pero, ung doctor ko kasi e magaling kaya okay na din.

Magbasa pa