Sched for CS
Sa mga sched CS moms pasagot naman po π *During operation, tulog po ba o gising kayo? *Ano po mga kelangan dalhin sa hospital? *Ilang days po kayo nagstay sa hospital? *Kelan pwede madischarge? *Niregla po ba kayo agad after manganak? *Magkano po total bill nyo with philhealth? At any tips pa po... Maraming salamat sa mga sasagot, napakalaking help po saming ftm na sched for CS π

1. during operation gising ako pero numb naman ako. nakikipag chismisan pa ko sa ob and anes ko 2. depende kung kasama sa package sa hospital ung after care . sa case ng baby ko, may free damit si hospital kaya going home lang nagamit. ung pampaligo etc kasama sa package. sakin naman, ganun din package na din ung mga post op needs ko like adult diaper etc. 3. sat ng 3:30 ako nagpunta sa hosp then nakalabas kami ng monday afternoon. so bali 2days 2 nights? π€£ 4. depende din to. sa ob ko, hindi na ko hinintay maka poop. inask lang nya ko if nakakawiwi na ba ko and nakaka utot. inask lang din nya ung pain ng tahi ko then good to go na. 5. ebf ako, 4mos pp ako dinatnan tapos inabot ng 10 days. naipon yata π 6. private hosp ako, 86k all in TIPS - make sure mahigpit ung binder mo paglabas mo ng OR. kaya pala ako hirap na hirap tumayo at parang bubuka dahil pala di mahigpit ung binder ko tapos umangat. kaya pala parang bubuka tahi ko nung nag tatry ako tumayo π - normal po ang chills during op or post op. - kung OA ka like me, request mo sa OB mo if pwede hindi gasa gamitin sa tahi mo kundi tegaderm para hindi ka mahirapan maligo. sa case ko, si OB mismo nagsabi sakin na mag prep prior kasi di naman kasama sa package kaya may bitbit akong sarili ko π - wag ma stress kung wala ka agad breastmilk. usually 3-5 days bago magka milk. unli latch lang. kahit walang nalabas na milk sayo at madami naman wiwi si baby at poops, ur good ftm ako, 7mos pp, dami ko pa natutunan pero ok na yan π
Magbasa pa