Sa mga SAHMs po dito, binibigyan ba kayo ng allowance ni hubby? Magkano? Ako hindi iniiwanan ng pera, kung kailangan lang may bilhin para sa bahay o sa bata. Nahihiya naman ako humingi para sa kin lang...

284 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Im still pregnant kaya wala pa kaming pinagkaka gastusan na baby. 1k per week ang binibigay ni hubby sakin. Kasama n dun pambili ko ng vitamins, pampaganda, foods pag biglang ginutom, etc. I manage to save at least 100-200 everytime na magbibigay sya. Hindi na ko nanghihingi, kusa syang ngbibigay. Kaya sis, wag kang mahihiyang manghingi ng personal allowance sa asawa mo, karapatan mo yan.

Magbasa pa