Mga momshies pahelp naman Po paano ba mawala Ang rashes SA face Ni baby? 10 days old palang si baby.

Rashes on her face

Mga momshies pahelp naman Po paano ba mawala Ang rashes SA face Ni baby? 10 days old palang si baby.
50 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sabi ng nakararaming mommies, normal daw po at mawawala din. Pero nababahala din kasi ako sa ganyan ni baby sa pisngi, shes 1month na at ngayon lang din naman nagkaron. acne/butlig lang sya nun gang sa naging rashes na. Pag pinapatulog kasi kinikiskis niya mukha niya sa damit ng nagkakarga sa kanya, alam mong hindi sya komportable kaya nag ask na ako sa pedia niya kung ano pwedeng ilagay o gamot. Nireseta niya desonide cream. Hindi ata to mabibili over the counter, need ng prescription.

Magbasa pa

to avoid po, pag may magkakarga kay baby masbetter if meron kang yung lampin or swaddle something na macocover mo sa skin ni baby to na hindi directly macontact sa shirt ng humahawak kasi may mga pabango yan or fabcon or ano. Baby ko rin nagkaganyan but di masyado marami pinahiran ko lang warm water sa cotton balls nawala din. Tsaka nilagyan ko maliit na Sudocrem.

Magbasa pa

warm water sa bulak lang at wag hawak hawakan or gamitan ng wash lalo na ng may acid content at fragrance pag liliguan as per pedia po normal lang ang baby acne sa newborn :) pero sinabi ko.pa rin yan kay oedia ni baby at nireco ni pedia ang cetaphil pro ad derma na wash at lotion. 2x a day kong gamit yun.ganyan din baby ko nung newborn pa lang

Magbasa pa
Post reply image

may ganyan dn po baby ko, 13 days na siya ngayon, pinapahiran ko lang po ng gatas q mi morning, pinapahiran ko mukha niya ng milk ko nawawala na po ganyan ng baby ko, kht hnd umaga pinapahiran ko, bsta naramdaman kong malakas ang tulo ng dede q, sa cotton po patakan mo ng gatas mo then kapag tama na sa dami ang naipatak mo ipahid mo na po,

Magbasa pa

Normal naman po iyan kay baby, pero kung wala kang budget pwede po ang breast milk mo ipahid sa rashes before maligo. kung may budget ka bili ka po ng Drapolene Ointment for baby rashes po ito, diaper rash or other skin rashes po mabisa po ang drapolene subok ko na sa tatlo kong anak.

Normal lang po mi. Yung baby ko 15 days old pa lang, paglabas namin hospital buong katawan nya merong rashes na parang bungang araw. Nawala naman po. Everyday ligo lang po at pagpapaaraw. Meron pa rin po until now si babh pero sa face na lang. Yun ang huling nagkarashes.

same mi ganyan din si BB ko nagkarashes din milk ko lang pinapahid ko then pagkatuyo liliguan na sya. Mukhang effective namn kasi unti unti na nawawala ung parang mga butlig sa face nya at nawawala na din ung mga pula pula

nagka rashes din po baby ko, una po soap nya johnsons-unilove every ligo po niya parang lumalala, pinalitan ko agad ng cetaphil simula nag change po kami non di na lumala dahan dahan pong na wala.. di na po umabot sa ganyan po

TapFluencer

normal lang po na magkarashes si baby. alamin po muna ang dahilan ng pagkakaroon ng rashes ni baby para malaman kung ano po ang gagawin. iba iba po kasi ang dahilan at klase ng rashes ni baby

VIP Member

Wait mo lang muna mawala mi. Water lang pang linis mo. Yung baby ko nagka baby acne nung newborn, nawala din naman after few days. Minsan the more na kung ano ano nilalagay, mas lumalala.