#QOTD Tuesday: Tinutulungan ka ba ng partner mong mag-alaga kay baby?

TAP Parents, sasagot ka lang sa QOTD, may chance ka nang manalo ng PHP100 voucher! Random winners ito kaya lahat ay may chance manalo. So, comment below your thoughts and kwentos!

#QOTD Tuesday: Tinutulungan ka ba ng partner mong mag-alaga kay baby?
211 Replies
Magsulat ng reply

5yrs old na ang first born namin and yes, my partner never failed to take care of his daughter. Hindi na kailangan sabihan, either sino mauna magising samin na gising na si daughter, siya agad nag aasikaso. Minsan naman pag may ginagawa ako or nag me-me time, hindi nya ko kinikwestyon. Inaalagaan nya anak namin dahil mahal na mahal nya. Satisfied ako na ganito partner ko at a very young age. Pag bed time na, babasahan ng story at ilalablab hanggang makatulog. Nakakaproud padin ang dads without vices and full of life contentment kahit independent kami both from our parents since we got together. Imagine him being a father at the age of 19, I was 18, from then until now, nothing changed. He's just maturing more. We're about to have our 2nd baby and he's still a hands on dad despite of being busy because of overtime work. β™₯️πŸ₯°

Magbasa pa
1mo ago

We love our daddy so much! β™₯️

Post reply image

A big YES! βœ… Maswerte ako kasi talagang hands on din asawa ko kay baby. Sya nagpprepare ng almusal namin sa umaga. Sya rin nagpapa araw bago pumasok sa work. Tinutulungan nya rin ako sa pagpapaligo sa bata at warm bath sa gabi, at sa gawaing bahay na rin kagaya ng pagluluto, paglalaba mg damit namin at ni baby, at pag aasikaso ng papers/documents ni baby. πŸ˜‡ Pag kakain kami madalas hawak nya si baby para makakain muna akong maayos. Grateful ako. Sobrang nagpapasalamat ako kay Lord at binigyan nya ako ng asawa na maaasahan, kahit may work sya, at pagod sa work pag uwi, tinutulungan at inaasikaso nya kami ni baby. ❀️ Alam kong bihira lang ang ganitong partner at kulang ang mga salita para sabihin kung gaano ako ka thankful at sya ang naging partner ko, at tatay ng anak ko. πŸ™πŸ»πŸ₯°

Magbasa pa
Post reply image

Yes since newborn si baby ..natulong siya mag alaga ky baby ..sobrang hands on po niya ky baby namin kase first baby namin un and inabot ng din ng taon bago kami nabigyan ng baby .😊 kaya ang laki ng tuwa niya nun nalaman nya magiging papa na siya ..kahit nga pagod sa trabaho ung asawa ko siya din nagpapatulog sa anak namin ..di kase makatulog un anak ko pag wala ang papa niya .. pag restday naman ng asawa ko maghapon naman nakadikit ung baby namin sakanya haha 🀣 halos ayaw ng humiwalay sa papa niya ..kulang nalang isama ng asawa ko sa trabaho niya ..πŸ€£πŸ™‚then before kami magka baby nun lagi siya inaasar ng mga kawork niya na baog haha πŸ˜‚ pero last year finally ung inaantay namin dumating dun 😍 worth to wait 😍❀️

Magbasa pa

Not a 100%, but YES. He is more on doing stuff than taking care of our baby because our baby is too small that makes him be afraid on holding her too long. So, instead of taking care of our child, he did a lot of things and takes care of me eversince I was admitted on the Hospital, our baby became cephalic but turn again into breech that's why I've been diagnose as Emergency Cesarean Section at my 8 months pregnancy, ending that our baby became premature 🀰🏻 But my Live-in Partner, eversince I gave birth on our baby he's giving a 100% to know and learn how to take care of our child especially when there's a time that I need to do some things. πŸ’– Our baby now turns 1 month old last September 19, 2021 πŸ₯°

Magbasa pa
Post reply image
VIP Member

Yes! Before, nung sa office siya nagwowork, every weekends or kapag wala siya pasok, he always make sure na may quality time silang dalawa, ngayon na work from home siya, kahit na nagwowork siya, nakikipagbonding parin siya sa baby namin, nagmumulti-tasking siya at minsan tumitigil siya sa kalagitnaan ng pagtatrabaho kapag bigla siyang tinawag ng baby namin, binabawi nalang niya sa OT yung oras na di siya nakapagwork dahil sa pakikipagbonding niya sa anak namin. Kaya ngayon na nakawork from home siya, mas madali sakin ang mga gawaing bahay dahil minsan siya ang nag-aalaga sa baby namin kahit na nagtatrabaho siya, katulad niyang nasa picture. πŸ™‚

Magbasa pa
Post reply image

Yes, pag uwi niya from work after maligo kukunin agad si baby. Tapos at night, after dumede, siya magpapaburp kahit may pasok pa siya the nexy day. Tapos sa morning, before pumasok, he make sure na makakain kaming almusal before he goes to work. Yan ang routine niya during weekdays, on weekends naman pag off niya he cooks, nagbabanlaw ng mga nilabhan ko then nakikipagplay din kay baby. Kahit nung pregnant pa lang ako, he never let me do things on my own. He always got a helping hand, such a blessing for me and my baby. Praying na lahat ng mommies may ganto asawa din.

Magbasa pa

YES! kahit wala pa kami baby team kami pagdating sa lahat ng bagay, kahit ano desisyon pa yan. its a good things sa amin ng husband ko we treat each other like bff. lalo na nagka baby kami ang routine namin since we both working and my Nanay with my kapatid ang nag aalaga kay baby kapag uwi ng asawa ko sa hapon sya naman hanggang sa dumating ako from work. Kapag sa gabi hanggang madaling araw kpg umiyak na si baby isa sa amin ang taga timola ng gatas at isa naman taga hele. Napaka swerte ko sa asawa ko dahil responsable at mapagmahal na asawa, anak at tatay din sya.

Magbasa pa

Opo, pagdating nya galing work 2pm, papahinga lang saglit at sya na nag-aalaga. Sya na din nagpapatulog kaya sanay na si baby na ganoong oras papa nya na mayhawak sa kanya. At sa gabi paminsan-minsan kapag alam na nyang antok na antok na ako sasabihin nya sa akin padedehin ko lang daw at sya na magpapatulog umidlip na daw ako. At si partner din po nagpaligo kay baby noong unang ligo ni baby hanggang nag-1 month si baby. Kaya Po sobrang thankful ako sa Panginoon na binigyan Nya ko ng matulunging partner at napakaresponsableng ama ng mga anak ko ..

Magbasa pa
TapFluencer

Noong una medyo di siya tumutulong, ang himbing pa ng tulog niya. May isang beses nga na iyak ng iyak si baby (newborn palang), pasigaw niyang sinasabi na maingay daw. Ako naman, todo buhat at hele na para tumahan. Panay karga ako nun, syempre nakaka-drain din kaya sumasabog din ako minsan. Naisipan kong layasan nalang siya since ako lang naman nag-aalaga pero pinigilan niya ako. Ayun, natuto rin..siya na ngayon nag-aalaga sa baby namin..Mas lamang pa oras niya sa pag-alaga kay baby kaysa sa akin.. Sobrang maasikaso siya at malambing na ngayon.

Magbasa pa
VIP Member

yes na yes. madalas sya ang nagluluto. kahit na galing trabaho, puyat at pagod grab nya agad ang mga bata lalo na si bunso. sobrang maalaga nyang tatay lalo na bilang asawa. hinding hindi ko naranasan sa kanya na nahihirapan ako sa gawaing bahay lalo na nung buntis ako at bagong panganak. lalo na nitong sa bunso namin na nacs ako sobrang maalaga nya.. handa syang mag puyat para mapalitan nya ako sa pag aalaga sa baby namin. at nakakatuwa na mabilis din sya kung umaksyon oag may sakit ang mga anak namin kaya mahal na mahal ko sya πŸ’œπŸ’œπŸ’œ

Magbasa pa
Post reply image