#QOTD Tuesday: Tinutulungan ka ba ng partner mong mag-alaga kay baby?

TAP Parents, sasagot ka lang sa QOTD, may chance ka nang manalo ng PHP100 voucher! Random winners ito kaya lahat ay may chance manalo. So, comment below your thoughts and kwentos!

#QOTD Tuesday: Tinutulungan ka ba ng partner mong mag-alaga kay baby?
213 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

A big YES! ✅ Maswerte ako kasi talagang hands on din asawa ko kay baby. Sya nagpprepare ng almusal namin sa umaga. Sya rin nagpapa araw bago pumasok sa work. Tinutulungan nya rin ako sa pagpapaligo sa bata at warm bath sa gabi, at sa gawaing bahay na rin kagaya ng pagluluto, paglalaba mg damit namin at ni baby, at pag aasikaso ng papers/documents ni baby. 😇 Pag kakain kami madalas hawak nya si baby para makakain muna akong maayos. Grateful ako. Sobrang nagpapasalamat ako kay Lord at binigyan nya ako ng asawa na maaasahan, kahit may work sya, at pagod sa work pag uwi, tinutulungan at inaasikaso nya kami ni baby. ❤️ Alam kong bihira lang ang ganitong partner at kulang ang mga salita para sabihin kung gaano ako ka thankful at sya ang naging partner ko, at tatay ng anak ko. 🙏🏻🥰

Magbasa pa
Post reply image