#QOTD Monday: Ilang unan ang gamit mo kapag natutulog?

TAP Parents, sasagot ka lang sa QOTD, may chance ka nang manalo ng PHP100 voucher! Random winners ito kaya lahat ay may chance manalo. So, comment below your thoughts and kwentos!

#QOTD Monday: Ilang unan ang gamit mo kapag natutulog?
911 Replies
Magsulat ng reply

7-8 pillows. 2 support sa likod, 2 sa ulo, 1 sa talampakan/paa, 1 sa legs, 1 sa bandang hita, at 1 na pang yakap. πŸ˜„πŸ˜… ang dami kong unan na gamit ngayon simula noong nag trimester ako. Super komportable kasi, kahit pa naka foam na higaan ako iba padin ung madami ung unan kasi ngayon hirap na ako huminga lalo pag hihiga at pag bangon. Tapos ung paa ay manas na, pati mga kamay ko manas na, nahirapan ako pang tikod ung kamay ko makabangon lang pero sa tulong ng unan naiibsan ung bigat ko pag babangon ako kasi para akong gumugulong muna bago bumangonπŸ˜… pero dati noong bago ako mag buntis, madami padin naman ako gamit na unan, 3-4 unan, 1 sa ulo, 1 pqng yakap 1 sa paa 1 sa likod. πŸ˜… ngayon talagang domoble pa hahahaha pero happy ang experience ko πŸ₯° lalo nq malapit na lumabas si baby πŸ’™

Magbasa pa

Noong solo palang ako mga apat na unan, ung isa katabi ko sa sobrang space kasi paranoid ako na may tatabi sa aking multo hahaha. Tapos ung isa naman kayakap ko at dantayan ng binti at ung isa ung sa uluhan ko talaga. Sabi nila sa psychology, sad ka daw pag madami kang mag unan pero sa akin kasi super comfy pag madaming unan mas masarap matulog. Pero nung nag asawa na ako tig-dalawa nalang kami kasi may ka'share na tapos nung may baby na naging tig-isa nalang kasi lakas komunsumo ng space ni baby super likot matulog.

Magbasa pa

before ako mabuntis, wala ako ginamit kase lagi masakit likod ko at para pumantay at di ako mahukot. January 2021 nabuntis ako, gumamit ako unan. to the point na bumili pa ako ng letter C n maternity pillow. plus additional pillows on my 7th month. 3 ulo, likod/balakang, tyan at paa. para nga akong reyna ng unan s amin. di kase ako maka hinga pag flat kaya half paupo ang posisyon ko pag natutulog. September 16 nanganak ako, kaya pala, ang laki ng baby ko. 3.4 kilos☺️

Magbasa pa
Post reply image

Before ako magbuntis dalawa lang talaga unan ko. Yung isa sa ulunan at yung isa niyayakap ko. Nung buntis nako naging lima na. Dalawa na sa ulunan kase mas komportable ako pag mataas ang unan nung buntis ako, yung isa dantayan, yung isa pang support ko sa likod at yung isa sa may tiyan. Pero ngayon isa na lang sa ulunan na lang kase malikot na matulog si baby kaya nag tanggal ako ng ibang unan para rin maluwag ang space sa higaan.

Magbasa pa
VIP Member

Tatlong unan lang ginagamit ko nong buntis ako kasi hirap na hirap ako humanap ng pwesto at hindi ako halos makahinga heartburn ata tawag don kyaa ako naglalagay ng unan sa ilalim ng mga hita ko at gilid ng tyan para medyo makarelax ako ' Ngayong nanganak naman ako dalawang unan nalang na medyo mataas kasi pure breastfeeding ako ngalay kapag mababang unan lang sakit sa balikat at likod tiis lang para sa anak lhat gagawin πŸ˜‡πŸ₯²

Magbasa pa
VIP Member

4! isa sa ulo, isa sa paa para mataas ung paa ko and comfy, tapos dalawa na magkabilaan left and right kasi patagilid ako matulog, hindi kasi ako makahinga pag nakatihaya, and mas maganda daw matulog sa left side po un iniipit ko ung unan sa hips ko habang nakatagilid para di sumakit balakang ko, tapos may alalay pa na isa sa likod ko..with matching pahid baby oil sa paa and tummy, tapos blanket na, sarap sleep namin ni baby 😊

Magbasa pa

Mula ng maliit ako 5 na unan gamit ko - 1 sa ulo, 1 sa ilalim ng paa, 1 each sa both sides at 1 niyayakap ko o nilalagay in between my knees. Nag iiba lang ang bilang kpag andito si hubby (LDR kasi kami). Pag magkatabi kami 1 lang unan ko, yung pang in between ng knees lang, braso kasi nya hinihigaan ko. lol 😁Now that I'm preggy, 6 na unan ko. Dinagdagan ko kasi ng maternity pillow para comfortable sa tummy at kay baby. πŸ’€

Magbasa pa
VIP Member

10πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ‘‰ 3 sa left 3 sa right... 2 sa side at 2 sa paanan...hahaha.. gagalit n nga c hubby at puro unan ang higaan.. wala n daw space ang hihiga.. puro unan...πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ganun kasi ako matulog nun dalaga p ako ahhahaπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚kaya pati c baby ko .. hnd nakakqtulog pag walang unan sa tabi .. nasanay na may unan sa tabi nya .. hnd lng sya naguunan sa ulo... kaya puro unan ngaun higΓ an nminπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

Magbasa pa

Nung hindi pako buntis, madami na talaga ako magunan pag natutulog. Ngayon na buntis nako, ganun pa din. Ilang unan ang gamit ko? Dalawa sa likod, isa sa ulo at paanan, and dalawa sa harap. Mas komportable kase ako matulog pag madaming unan kase feeling ko may kasama ako kahit wala. Nakasanayan ko na din kase dahil bata palang ako madami na talaga kaming magunan ng mga kapatid ko.

Magbasa pa

4 na unan, isa sa ulonan, isa sa left side isa sa right side and isa sa paanan. bago Pa ako magasawa 4 na ang unan ko at ngayon may asawa na 4 prin dahil ang asawa ko ay laging wala, nagagamit ko prin ang 4 na unan at nakakatulong dn sa mahimbing kung pagtulog habang akoy buntis. 38w3d na malapit ko ng makasama ang aking baby first. baby girl. 😍 TYLORD. πŸ™‚

Magbasa pa