#QOTD Monday: Ilang unan ang gamit mo kapag natutulog?

TAP Parents, sasagot ka lang sa QOTD, may chance ka nang manalo ng PHP100 voucher! Random winners ito kaya lahat ay may chance manalo. So, comment below your thoughts and kwentos!

#QOTD Monday: Ilang unan ang gamit mo kapag natutulog?
920 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Noong dalaga pa lang ako ay 5 ang gamit ko na unan. Isa sa ulo, isang tandayan, tig-isa sa tigkabilang gilid at isa sa paa para patungan. Pero ngayon na may baby na ay 2 na lang. 1 sa ulo at isa sa paa para patungan. Yung iba kasi ay ginagawa ko na pangharang sa pader para di maumpog ulo ni baby. Di bali ng wala na ako masyadong unan basta ang baby ko ay protektado.

Magbasa pa
Post reply image

As of now isa nalang hahahahah, sa ulo nalang kasi lactating mom ako sa 5month old babyboy ko tapos may sumasalisi pa ng dede na 3y/o baby girl lalo na sa gabi at madaling araw. Tyaka iwas suffocation kasi baka si baby boy biglang matakpan ng unan sa mukha. Prevention is better than cure. πŸ€— Maganda na ding advance mag isip hehe.

Magbasa pa

I'm using a total of 5 pillows now πŸ˜… Two yung pang unan sa ulo talaga kasi gusto ko mataas, one sa paa, iniipit ko sa may tuhod then left and right side kasi malikot ako matulog. So gusto ko kahit saan akong side nakaharap, may nakasupport sa likod ko then may nayayakap ako. Ayun nga lang, dami labahin lagi pag dami unan haha

Magbasa pa

Noon dalaga pa ako 3 unan ang gamit ko isa sa likod,sa ulo at sa paa😁.Ngayong may mga anak na ako lalo pang nadagdagan ang mga unan namin lalo na yung may mga character at maliliit na stuff toys na nakukuha ko noon sa mga gaming arcades at halos wala na kaming pwesto sa higaan kaya gusto ko nalang ng isang unan.hehe

Magbasa pa
VIP Member

Noong dalaga pa ako isa lang ang ginagamit ko na unan kasi kaunti lang kasi ang unan namin, then noong preggy ako tatlong unan na ginagamit ko hindi kasi comfortable kapag iisa lang ang gamit lalo na kapag malaki ang tyan and ngayong may baby na back to 1 ulit minsan wala kasi ginagamit din ni lo. πŸ˜…

Magbasa pa

Noong solo palang po ako 7 pillows hahahaha. 2 sa ulo, 1 sa left, 1 sa right, 1 sa tuhod, 1 sa paa patungan hehhe, 1 pantakip sa ulo. Now 5 nalang po. 1 sa ulo , 1 sa tuhod, 1 sa paa, 1 sa tyan, 1 sa side kung saan wala si partner. hehhehπŸ˜…πŸ˜…πŸ˜… para walang space si mumu HAHAHAHAHHA

Sampung unan ang gamit ko nung buntis ako hahahaha dalawa sa paa, dalawa sa likod ko, dalawa sa pwet at hinta, dalawa sa ulo ko. isang tandayan ko at isa sa mukha ko. Ang dami di ba gusto ko kasi kumportable akong matulog lalo na't nalaki na tyan ko. at sobrang likot na ni baby.

nung buntis ako dalawa isa para sa ulo at isa para sa pagitan ng legs pag nakatagilid matulog. nag uumpisa palang kami as a family kaya ngayong nakabukod na kami tig isa lang muna kami ng unan. pero kung ako papipiliin gusto ko 3 fluffy pillows haha cozy

2 large pillows para sa ulo at likod ko at 2 hotdog pillows para sa dalwang corner ng higaan namin kasi baka mauntog sa pader si baby kahit may 4 pcs baby bolster siya at si husband hahaha bahala na siya joke. Ayaw niya ng unan. Ako unan niya hahaha πŸ˜‚

TapFluencer

4, 3 sa ulo hanggang likod, tapos isa sa tyan. pero madalas hindi din ako nag uunan sa tyan. mas komportable kasi ako nang walang unan. pero yung sa likod, di ko talaga kayang wala. kada magigising ako, parang mapuputol na yung likod ko sa sakit.