Ask ko po

Pwede po bang painumin ang baby ng tubig after nya mag gatas? 2 days old. plssss? pa sagot po if pwedeee.

Ask ko po
1472 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

I consult my Pedia po Kung pwede painumin si baby ng water, 10days old si baby ng 1st check up nmin after I gave birth. Sabi ni Pedia pwede painumin ng water si baby Kung nka FORMULA MILK si baby, nka bottle feeding same as water at lalo na ang formula milk ay may (granules(Yung makita natin na namumuti sa dila)na naiwan sa dila o lalamunan. ngccause ito ng Kati sa lalamunan at inuubo sila. Kaya after milk pwede natin bigyan ng kunting water, I put 1 Oz(30ml)water as per advise lng pero kunti lng naman na I inom ni baby 10ml lng,at di ko rin pinapa ubos ang 1 oz kasi busog na sila after milk at di hindi rin pwede ang maraming tubig sa baby paunti unti lng, dapat pgmg feed tayo milk mn o water dapat karga natin o nakahiga na patagilid si baby hindi nakahiga na patihaya kasi Yun ang cause na na choke sila o nabibilaukan.at Burping napaka importante after feeding po. PERO Kung PURE BREASTFEED po ang baby nyo, Yun ang hindi pwede painumin ng water so until 6months sya pwede na painumin Kung pinakakain na like Cerelac, dinurog na fruits or veggies. Mas mainam pa rin po e consult nyo sa Pedia as 2days plng baby nyo.

Magbasa pa
VIP Member

pwede naman po basta po formula milk si baby ung mga nagsasabi ng NO is kadalasan mga nsa DOH kc yan ang pinopromote nla na EBF til 6mos. Pero ung pedia ni baby unang unang nagpainom s kanya ng water ng nasa hospital p lng sya after dumede kc formula milk sya. Nagulat p nga kami eh pero sabi nya ndi yan makakasama kay baby iiihi dn nya yan. Ndi dn daw totoo n lalabnaw ung dugo nya. Ndi dn daw totoo n ndi p kaya iprocess nya baby ung water. Kung bawal daw ang tubig s baby dapat daw unang ipasara ng taga DOH ung company ng formula milk.. Sabi p nya mas ndi kaya iprocess ni baby ang FM kaya after nya dumede matutulog sya kaya nid ng water. Tpos sabi pa namin may article si DOH at WHO about s water churba churba. Ang sagot lng nya is yun kc ang pinopromote nla EBF

Magbasa pa

sa lima kong anak after ko magpadede nagpapainom ako ng tubig after 30 minutes kapag formula ang gamit ko kasi nakakatigas ng poopoo ang formula and at least nafaflush out nya din yung di dapat naiintake ng katawan nya since formula is not from our own milk at nakakalapot din ng laway like what we experience everytime magdrink tayo ng milk, right? pero kung purely breast feed, no need po since nagwawater intake tayo so yung gatas ng breastmilk is not purely powderize kaya mas soft ang gatas na naiintake ni baby. this is just base on my own opinion pero ao far wala naman akong naging problema pagpapainom ng tubig sa anak ko below 6months of their age nung baby pa sila. pero ofcourse depende nalang din yan sa paniniwala nyo.

Magbasa pa

This is quite a funny topic to debate about. Before social media and all nobody worried about whether a baby can drink water at this or that age or not. 90s babies for sure were given water by their parents way before they were even 6 months old are now blabbering about not giving water to a baby who is less than 6 months old. I was given water WAY BEFORE I was 6 months old. Buhay naman ako. Even my siblings were given water by my mother way before they were 6 months old. Buhay naman kaming lahat. I've been giving my baby water since 3 months old, okay naman sya. Wala namang nangyayaring masama. The bottomline here is lahat ng sobra masama. If none of you gets that then hopeless case to. More popcorn please. 😂

Magbasa pa

Actually sis and honestly sa 6 kids ko bottle sila lahat and after magmilk pinapapadede ko din sila water and may times na water lang muna.. Wala naman ako nakita na masama nangyari sa kanikang 6 kasi sa anim n yun never sinabi sakin na bawal uminom water si baby.. Pero ng mag bf ako sa seven ko cnbhan ako n no water talaga so i make sure na no water even nag mix feeding na siya kaso sympre kapag sinisinok ang baby ko non si mother ko pnpadede niya water pero kapag tumalikod na inaalis ko.. Follow what your pedias advice to u sis.. As of now am 7months preggy with my eight sympre kng ano sbhin ni pedia susundin ko..

Magbasa pa
VIP Member

if bf sya no nid ng water pero kung formula milk pwedeng pwede po.. Baby q since birth pinapainom namin ng water. At ang unang unang nagpainom ng water is ung pedia at nurse s hospital. 30 mins. po after nya dumede 1oz once ng water po pinapainom ni dra. Tech. Distilled water pa dn po ipapainom. Iiihi dn naman daw yan ni baby. Kaya lng naman daw may mga article article n lumalabas ang DOH at WHO is pinopromote daw kc tlaga nila ang ebf eh kaya ayaw ng may water pero ask mo sila kung pwede ba painumin ng water alam nla s loob loob nila na pwede pero ndi nla sasabihin sau kc gusto nla bf ka kay baby.

Magbasa pa

According po sa pedia ng baby namin, pwede nmn po daw painomin ang baby ng tubig basta after feeding. Ang mean reason lang namn daw po kung bakit di advisable painomin ang baby kasi wala daw vitamins na makukuha ang bata sa tubig. May iba din daw na mga mommy na painomin muna ang baby ng tubig bago ang gatas para madaling mabusog. But after all, mas the best po na mag 6 mons old na si baby painomin ng tubig para pure nutrients muna ang naiinom niya lalo na sa mga nursing mommy. Sana po makatulong😊

Magbasa pa

Yung gatas naman po my halo tubig parin enough na yon na hydration kay baby, no need na ng tubig within 6 months plng si Baby, kasi po maflush out ng pure water ang soduim na need na development ng brain ni Baby, and ung ibang nutrients, ang tinatawag nila jan ay Water Intoxication. Kaya advice po is purely breastfeeding/milk within 6months. After 6months dahan-dahan na po kayo mg introduced ng mashed foods at water(distilled water). Kung kaya na ni baby matolerate

Magbasa pa

Sana pilitin mo muna mkapagbreastfeed sakanya, mommy. Kahit etong mga unang buwan lang. Di na need ng water after magdede kung breastfeed naman. At kahit yang formula milk masama din yan kay baby kasi sobrang liit pa nya. Kahit sabihin pa sa tv na safe yan sa baby na ilang days palang. Hindi lahat ng bituka ng bata kaya ng tumunaw agad ng ganyang gatas. Kaya mo magpabreastfeed mommy, katawan / boobs natin ang magaadjust, hindi si baby. Tiwala at tyaga lang.

Magbasa pa

ask mo po muna sa pedia. experience ko kase sa panganay ko, nung nagformula hindi ko din sya pinapainom ng water tapos after ilang days, namuti yung dila nya at lagi sya nagsusuka. dinala namin sya sa pedia at nung chineck lalamunan nya, puro nana na kase yung milk na iniinom nya ay may mga naiiwan sa lalamunan nya at nagcause ng infection. advise ng pedia if formula fed si baby, painumin ng water kahit konti para ma-wash lang daw yung milk sa bibig nya.

Magbasa pa