Hi. Pwede bang dito na lang ako mag malabas ng sama ng loob. Sa sobrang sama parang sasabog na eh. Wala naman po ako makausap as of now, and yung nag iisang nakakaintindi saken may family na, nakakahiya if pumunta pa ako dun. Ganito po kasi yun ever since i was in my teenager years ko ganun sila saken. (hahaha- dapat masanay na ako pero hindi pa din) I got bullied when I was in my high school days, even got suicide kaso di matuloy tuloy. I even talked to them na ganito ganyan kaso Sabihan ba naman ako 'na malandi ka kasi kaya ganyan. Haha imagine sarili kong pamilya hindi ako kilala.' grabe kasakit sa part ko. Hindi naman din ako mabait na anak. (dont get me wrong po ah. - hindi ako katulad ng mga kuya at kapatid ko na competitive and bragger ng mga awards, i' ve been there naman po pero nung ako nag first sa school namin, ni isa walang pumunta just to get my medals and certificate, never din po ako nabilihan na kagaya ng sa mga kapatid ko and thats the time na i decided not to get any awards. Sa bahay i become cold never na ako nakikisali sa mga usap nila, kasi ang negative nila magsalita, na kesyo tanga ako ganito ganyan.. Tska nung early teens ko nasagot naman po ako sa mama ko pero nagsosorry din ako afterwards. Yung mama ko umuwi nung
Nag graduate mga kuya ko and kapatid ko, pero saken hindi. Hindi naman po ako nagseselos kasi eversince ganun naman na po talaga treatment nila saken. Sanay na ako. Graduate na din po ako, and im now 23 years old. Nagppadala naman din ako sa bahay namin pag may sobra sa sweldo ko. (mababa lang po sahod ko, provincial rate lang)
Pero this Last October po i told them na pregnant ako, galit sila. Pinauwi nila ako at Alam kong magagalit sila. Pero to expect na sasabihan ako ule ng 'malandi, bukaka kasi ng bukaka, gusto ko na lang sana tanungin kong pamilya ko ba sila o hindi. Sobrang sama lang po talaga ng nararamdaman ko. Plus whenever makiusap ako sa kanila na bawal yan, sinasabihan ako na maarte, isa lang naman po sinabi ko na bawal saken yung pusa,.now Im having colds kasi sobrang alikabok. Even natutulog ako magpapagpag sila. Ayoko na ulet magsalita sa kanila. Kasi pati si baby ko na aapektuhan.
Sana di na lang ako umuwi. Mas gugustuhin ko na lang maging alone kesa sa ganitong sobrang sama ng loob ko. Yung pag intindi ko sa kanila sobra sobra. Mama ko sinabihan ko, ako pa din masama. Wala pa din sa plano ko si baby pero i asked my partner na buntisin nya na ako,kasi sabihan ba naman ako yan lang magiging kasama mo pag tanda mo. Thats why I decided na mag buntis na lang. Sobrang happy ako na ni blessed ako ni God to have my baby. He knows my pain and my surrow pero right now I cant tell to anyone kasi pagod na ako magsabi at magpaliwanag. Yung assumption nila ang nakakasakit lagi., im not perfect pero im trying to please my family. Kaso wala eh.
Anonymous