Losyang na..

Just posting this to vent out. I know maraming mommies here na mas may legit stress than me so I’m sorry but please bear with me. Hindi ko alam kung bakit ganito ako recently pero madalas akong malungkot pag nakikita ko sarili ko at katawan ko. Siguro dahil sobrang busy these past few wks si hubby sa work to the point na wala na syang time halos samin,sa akin😕. Madalas sumagi sa isip ko nitong mga nakaraan,bakit kung kelan may partner ako,saka naman ako nalosyang😭. I was a single mom for 6.5yrs. Nagstart akong mag work when my daughter turned 14 months. I’m earning really well,merong hobbies,always with friends. Part ng work ko ang pagtatravel locally. All is well Nung naging kami ni hubby,pinatigil na nya ako sa work at sya na lang nagsupport sa family at daughter ko. In other words,nastuck na lang ako sa apat na sulok ng condo which was okay for me. Until nabuntis ako with our son. Ang dami lalong changes. Lalo na sa sarili ko,sa katawan ko,sa itsura ko. Hindi naman ako mahilig talagang mag ayos pero mejo okay naman ako before and at least before,naaalagaan ko ang katawan ko. Ngayon grabe🤦🏼‍♀️ Stretchmarks,dry skin,baby pouch,eyebags,hairfall. Feeling ko mukha na lang akong yaya ng anak ko. Don’t get me wrong,sobrang walang problema kay hubby. I’m very well provided. He still cooks food for me in between his busy hours,he still hugs me and tells me I’m pretty. He still thanks me for being a good and strong mom for our son pero deep inside,I can’t shake that feeling of being disappointed with myself. While browsing my gallery,I noticed na I don’t even take pictures of myself anymore. Puro picture ng anak ko. Habang nawiwili akong mag alaga ng anak ko,habang lumalalim yung love ko sa kanila,nawawalan na din pala ako ng panahon na mahalin at alagaan sarili ko. I love my family,no questions about that. But I just miss my old self. I feel incomplete and lost right now. Just sad. Just sharing some photos of me for self appreciation. First photo was taken very recently while the last 3 were before I met my husband

Losyang na..
73 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sa totoo lang minsan naiingit ako sa mga working mom kasi lagi silang maganda, madalas silang may bagong damit, laging naka make up, madalas magpa rebond madalas mag pa salon, may sariling pera o kumikita ng pera may pera para sa sarili kasi need naman talaga nilang maging presentableng tignan dahil pumapasok sila sa work. Sana ako din .... Kaso kapag napapatingin ako sa mga anak ko naiisip ko din na minsan lang silang maging bata, ang pagiging maganda, pagiging sexy, pagkakaroon ng trabaho lahat ng yan pwede kong tyagain para makuha .. 3 buwan 6 na buwan lahat yan makukuha ko kung gugustuhin ko pero ang ibalik sa pagiging bata ang mga anak ko impossible nang mangyari., Oo ngayon pangit ako, pangit ako dahil laging kulang ako sa tulog kaka alaga sa mga anak ko, pagtapos maligo tali agad wala nang suklay suklay kaya di ako nagpapa rebond or nagpapasalon, di rin ako nag mamake up kasi walang oras mag make up at bakit pa ako mag mamake up eh nasa bahay lang naman ako, di rin makabili ng bagong damit kasi di naman kailangan maging presentable sa bahay lang naman saka imbis na ipang parlor, pambili ng mga bagong damit at gamit eh ipangbibili ko na lang ng gatas at diapers ng baby ko at mga kailangan sa school ng mga anak ko. Darating din yung araw na magkakaroon din ako ng oras para sa sarili ko, sa ngayon ieenjoy ko muna ang pagiging bata ng mga anak ko, mga oras na kalaro sila ng habulan, kilitian at minsan kaasaran na parang bata ka na din 😂😂😂 Baby na pang gigigilin kada minuto 😊 patatawanin hanggang sa mapagod 😂😂 at darating ang panahon ang salitang pinaka masarap marinig na mangagaling sa kanila ay "Ma, salamat at kasama kita sa childhood memories ko"

Magbasa pa
VIP Member

Reading all these replies made my heart melt. It feels really sad to learn that I’m not the only one whose going through these but it’s quite comforting as well. Especially ang comment ng mga mommies na nakakaranas din ng ganitong feeling but still positive. I’ve been in denial na sobrang insecure ko talaga after I gave birth. I was known by my friends and family as the girl who doesn’t get insecure. I was known as the one who always makes people laugh. I was that friend who gives comforting advises. I was that friend who was always positive. But yesterday I just lost it. It was being too much for me to bear and that’s why you’re reading this post rn. I read all the replies. Everything. And I wanna thank this app and especially the moms here na ready’ng ready to lift each other up. Sobrang thank you for letting me release all these negativity that’s been bottling up since I don’t know when. Sobrang thank you for not judging me but for understanding and sharing your sentiments as well. I appreciate each and everyone of you mga inay. Your words and your encouragements. Such a big big help for this momma whose been confused,disappointed,disheartened and insecure. Thank you for not letting me feel alone❤️. Thank you❤️❤️❤️

Magbasa pa

Relate much 😢 ang hirap maging full time mom at dumadagdag pa sa dalahin natin yung changes ng physical appearance natin after manganak.. Nde naman ako nagsisisi sa kung ano ako ngayon kasi tanda yun na nagsilang ako ng isang napakagandang baby. Di lng talaga natin maiwasan minsan na mamiss natin yung dating tayo.. Yung dati na nabibili natin yung mga gusto nating damit at kung anu ano pa, yung dati na nakakagala tayo kht saan, yung dati na nakakain tayo sa labas with friends, yung nakakapagsalon tayo, yung may ME time tayo.. Nakakamiss! Ngayon after maligo tatali nlng ang buhok ng dipa nasusuklay kasi umiiyak na mga bata, papakainin, papaliguan, patutulugin, makikipaglaro kpa sa knila hanggang sa nakalimutan mo na plng kumain sa pag aalaga sa mga bata.. Bago matulog sa gabi kailangan png magligpit ng mga kalat, laruan nila at minsan maglalaba, magbabanlaw at sampay pa ng mga labahin.. Pahinga nalng natin 2 o 3 oras na lamang kasi gigising na naman tayo ng maaga para ipagluto sila ng breakfast.. Fulfilling naman maging mommy lalo na kapag alam nating safe ang mga anak natin pero minsan nakakamiss din magkaron ng ME TIME..

Magbasa pa

I sometimes feel din po yan. Ftm naman po ako, dati pg lalabas ng bahay, di pwedeng di makapagplantsa ng buhok at di pwedeng walang kilay and lipstick. Ngayon, kahit pagligo, inuuna ko muna lahat ng gawain bahay pati si baby bago ko magawa un. Minsan tumawag un father ko kasi nasa probinsya sya, sinabihan nya akong nagkaanak lang ako e napabayaan ko na sarili ko. Nasasabi ko sa husband ko na natatakot ako baka ipagpalit nya ko sa mas sexy na sa akin, sa mas makinis kasi ang dami ko na stretchmarks tapos may mark din ng cs un akin. Ang hirap pala talaga maging ina. Kaya to all moms out there, i salute all of us! Di ito biro. Tayo talaga ang nagdadala ng pamilya. Ngayon lang din ako nastress ng ganito buong buhay ko pero pag nakikita kong tumatawa anak ko, masaya sya, nawawala din naman insecurities. Buti na lang quarantine, work from home kame, di need gaano lumabas. Magpapaganda na lang uli ako pag office based na uli hehehe. Sa ngayon, lasapin naten pagiging nanay sa mga bulinggit kasi minsan lang sila maging ganyan kaliit at kalambing ❤️❤️❤️

Magbasa pa
4y ago

True po. Dami muna seremonyas kay baby bago mauna ang sarili. Nakakaloka pala. Pero kakayanin para sa mga junakis 😊😊😊

You're not loshang, you just have more important things. Hugs! You can take a 5 min break for yourself rin. Or ask the husband can you have a day for yourself or a date with him. And you deserve salon, manicure at alak from time to time as you're doing a good job being a mom. I'm Currently pregnant. Everytime na tumitingin ako sa salamin, i know I look tired, big, dry lips and feel loshang lagi pantulog suot ko... At I feel sad also. but I remind myself na ang nakikita ko is my sacrifice to continue this pregnancy. We tried almost a year getting pregnant. I'm on mid 30s and Inuna ko yung career ko. Nung gusto ko na magkababy, dun ko palang nafound out I have myoma, pcos. Tapos I have subchorionic bleeding early in this pregnancy stage. So when I get bored, feel panget, useless.. I remind myself na I had all the fun in life and my baby just needs to be protected for 9 months. He is the number priority. After that I can do a new game plan for life that won't let me feel bad.

Magbasa pa

i feel you mom! well provided din kami but recently, napansin ko parang napapabayaan kona ang sarili ko same as you sobrang busy kona mag alaga sakanila ni hindi kona nga minsan makita ang sarili ko sa salamin kung hindi lang maliligo, napapaisip nalang ako ano ngabanv bagay anh pwede ko gawin para naman mapagaan ko yung loob ko, tipong ang hirap kasi though alam ko sa sarili ko na kahit busy si hubby naaalagaan niya naman kami, I'm Thankful kaso once makita mo yung sarili mo namimiss molang maalagaan ang sarili mo, kaya lagi ko nalabg sagot KAYA, KAYANG-KAYA!! konting tiis pa ganyan talaga pag nanay kana madaming magbabago hindi lang yung mga bagay na ginagawa noon pati sarili mo, well NANAY talaga tayo we just need to accept na NANAY na tayo at pag lumaki na sila tayo naman ang aalagaan nila by that time maaalagaan nadin ulit natin ang sarili natin. keep on figjting moms! hindi ka nagiisa marami tayo 😂😂

Magbasa pa

I feel the same way 😞 nalulungkot ako buong araw na nasa bahay lang. Im a nurse pero naka leave ngayon sa clinic dahil nga sa pandemic bawal na muna mag duty. Di ako sanay ng nasa bahay lang walang ginagawa hinihintay umuwi yung partner ko. Nung nakakapag duty pa ako sobrang busy ako na halos di na ako makapag VL and SL pero sanay na ako sa ganong routine uuwi sa bahay ng pagod maghihintay na lang off kung kelan makakapag pahinga minsan once a week lang off ko, minsan may time na nag rereklamo na ako dahil sa sobrang pagod pero tuloy parin ang duty as dialysis nurse pero tuloy parin naman ang duty ko. So ngayon naninibago ako na nakatunganga na lang sa bahay maghihintay sumapit ang gabi 😔. Pag tinitingnan ko sa sarili ko sa salamin na ang taba ko na, na parang ang panget ko na,gusto ko pumunta sa salon pero di pwede. Tapos yung nga damit ko na di ko na masuot dahil ang sisikip na 😞.

Magbasa pa

Mommy, maganda ka pa rin naman at payat. Ang dami nga dyan, haggardo versoza na nga, lumba-lumba pa ang tingin sa sarili. Not fat-shaming po ahh, kasi I'm one of them na sumobrang taba kasi 9 months pregnant (I gained 20 kg 😓). Tingin ko kulang ka lang sa "me time" at self pampering. Pwede ka naman magpaganda at magpa-sexy pa lalo, mommy. Just find time for yourself, especially na housewife ka naman at well provided ka naman kamo. Maswerte ka nga may loving husband and provider ka, maraming babae dyan wala pareho, mommy. Count your blessings. Gusto mo ba bumalik sa work ulit, mommy? Parang hindi mo kasi nabanggit, pero reading between the lines, I feel like you miss your old routine and lifestyle. Baka naman concern mo rin 'yan but you just don't realize it? Or baka feeling mo, returning to work will solve some or all of your current self issues?

Magbasa pa
4y ago

Natumbok mo mamsh. Eto lagi yung nabubungad ko sa husband ko pag nagtatampo ako. Now that you mentioned it,narealize ko bigla na baka eto nga yung gusto ko. Bukod kasi sa losyang na yung tingin ko sa sarili ko,feeling ko ang tanga tanga ko na rin. Madalas ko nang tanungin yung sarili ko kung ako pa rin ba yung dating ako na halos lahat ng makilala ko napupuri ako on how well I talk and carry myself. Hindi naman din sa pagmamayabang pero kahit saan mo ako ilagay,I can excel talaga kasi when I work,I give my 101%. Ngayong nandito na lang ako sa bahay,parang wala na kong napapatunayan😔. I know I’m really blessed pero bakit I still want more..? Naiyak ako dito sa comment mo na to.

Lahat nman po ata ng nagiging mommy nafefeel yung ganyan sis pero dapat maging proud ka kasi pinaghirapan natin yan eh.. yung eyebags pinagpuyatan natin yan para sa mga kids natin, yung pag 2' 2piece pwede pa natin magawa yan pero ako now 2pc chicken na madalas ko nagagawa' hehe! Same same lng siguro tayo dati sumasali pakong pageant and photographer ko pa partner ko, dati size xs lng panty pero ngaun xl nako, dati pag nag tatravel kami 2 lng kmi with friends pero ngaun 4 na w/ kids and mga anak dn ng tropa namin.. Halos lahat nag bago pero dapat be happy pdn positive lng dahil lahat ng nabago kapalit nman nun is yung happiness na nabibigay mo sa fam mo and ung natatanggap mo sa kanila.. Pray lng po always and no to stress, ndi ka losyang.. Maganda ka, mas mahiya yung mga nanay na napapabayaan yung mga anak nila..

Magbasa pa
VIP Member

you need to take care of yourself too. Minsan need natin ng me-time. If meron kang pede pag-iwanan ke baby for a day or kahit ilang hours lang grab it and have some coffee break or do things that you love. Aside from being a mom, go back to your passion and make time for it kahit paunti unting oras lang. Don't think of it as selfish kasi honestly kaya minsan napapabayaan natin sarili natin is because we're thinking na selfish tayo if ginawa natin yun gusto natin or iniwan natin sila for a while. It's not selfish but self-care/self-love. We cannot pour from an empty cup so need din naging punuin ang love tank natin. 😉 If you like reading or watching movies or planting then make a time for it iwan mo muna mga kids ke hubby for an hour or two para lang magawa mo yun mga bagay na gusto mo.

Magbasa pa