Losyang na..

Just posting this to vent out. I know maraming mommies here na mas may legit stress than me so I’m sorry but please bear with me. Hindi ko alam kung bakit ganito ako recently pero madalas akong malungkot pag nakikita ko sarili ko at katawan ko. Siguro dahil sobrang busy these past few wks si hubby sa work to the point na wala na syang time halos samin,sa akin😕. Madalas sumagi sa isip ko nitong mga nakaraan,bakit kung kelan may partner ako,saka naman ako nalosyang😭. I was a single mom for 6.5yrs. Nagstart akong mag work when my daughter turned 14 months. I’m earning really well,merong hobbies,always with friends. Part ng work ko ang pagtatravel locally. All is well Nung naging kami ni hubby,pinatigil na nya ako sa work at sya na lang nagsupport sa family at daughter ko. In other words,nastuck na lang ako sa apat na sulok ng condo which was okay for me. Until nabuntis ako with our son. Ang dami lalong changes. Lalo na sa sarili ko,sa katawan ko,sa itsura ko. Hindi naman ako mahilig talagang mag ayos pero mejo okay naman ako before and at least before,naaalagaan ko ang katawan ko. Ngayon grabe🤦🏼‍♀️ Stretchmarks,dry skin,baby pouch,eyebags,hairfall. Feeling ko mukha na lang akong yaya ng anak ko. Don’t get me wrong,sobrang walang problema kay hubby. I’m very well provided. He still cooks food for me in between his busy hours,he still hugs me and tells me I’m pretty. He still thanks me for being a good and strong mom for our son pero deep inside,I can’t shake that feeling of being disappointed with myself. While browsing my gallery,I noticed na I don’t even take pictures of myself anymore. Puro picture ng anak ko. Habang nawiwili akong mag alaga ng anak ko,habang lumalalim yung love ko sa kanila,nawawalan na din pala ako ng panahon na mahalin at alagaan sarili ko. I love my family,no questions about that. But I just miss my old self. I feel incomplete and lost right now. Just sad. Just sharing some photos of me for self appreciation. First photo was taken very recently while the last 3 were before I met my husband

Losyang na..
73 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

You're still beautiful po mommy , totoo yan 😍😊... lalo pa kung nakaayos ka. siguro kapag mas malaki laki na si baby mas makakapag focus ka na sa sarili mo, mas makakapag ayos. Ako super nag gain ng weight at nagkapimples but sabi ko sa sarili ko normal to kasi pinagdadaanan to ng mga nanganak... nagpopost pa din ako ng picture sa fb medyo madalang na nga lang... Ang Mantra ko kasi, makakabawi tong katawan at balat ko kapag medyo lumaki na si baby 😊... yung magugulat na lang ibang tao na bumalik na ako sa dati kong itsura... for as long as confident ako at wala namang issue sa asawa ko okay lang ako... mukha namang appreciated ka ni hubby mo 😊... give yourself time to heal, hindi biro magbuntis, manganak mag pa bf. Hufs momma 😍

Magbasa pa
VIP Member

Hndi nmn momsh kulang lang sa ayos.. I think hndi nmn top priority ni hubby ang looks pero un nga pra sa sarili mo is hndi mo na nabibigyan ng pansin ang sarili mo. Well, try mo po iwork out khit paunti unti momsh.. Ksi ako bago at pagktpos ng pregnancy tlga nka set na sa utak ko na kahit ano mangyri aalgaan ko prin tlga ang sarili ko. Mag set ako ng khit maikling oras lang s busy sched being a mom na makapg ayos man lang ng sarili ko. Kaya mo yan momsh.. Konting push lang.. Walang msma mag ayos ng sarili khit super busy na s mommy duties.. Iba din ksi ung feeling na nkikita mo srili mo na maayos.. Di ka nmn losyang momsh konting ayos lang... ☺️☺️😉😉😉❤️❤️💙💙

Magbasa pa

mommy ganyan din po ako minsan😁pag nakkitaq ung mga old piksq nssbq sa srli ko ang gnda ko nuon,mganda pa itsura😁straight ang buhok na nkugaw pero ngaun arw arw nakapusod.ung dibdib na sakto lang sa bra pero ngaun halos lumuwa na😁ung katawan na curve nuon ngaun deretso na😁ung buhok na wlng putol,wlng nalalagas pero ngaun hlos bilang muna ung nllgas araw arw😁pero mommy ok lang yan pag lumaki na si baby dun tau bumawi ngaun kc mas kailngn tau n baby.ganyan dn ako mommy kya sbq pag malki na si baby aawra nmn ako😁..stay steong lang po..5 months na kmi n baby.pag mag sisimba kami ska nmn aq mytym na ayusan ang srili..😁pagllbas lang ng bhai mukhang tao na😁

Magbasa pa

hello mommy! actually mostly sa mga mommy ganon tlg kumbaga dti lgi mo iniisip sarili mlng, mdami kang tym mag ayos, magpaganda, lht pra lng sau. pero now na may baby ka masaya kna na nbibili mo halos lht pra sknya and pag inaayos mna un mga binili mo mppansin mo nlng wla kpla nbili pra sau😅.. pero normal lang un.. pag malaki na din un baby mo kht pano madidivert na uli atensyon mo sa sarili mo ksi wla kna halos inaalagaan e ksi mlaki na sila... just enjoy every moment nlng wid ur baby sis... and ofcourse dpt alagaan mpa din sarili... kausapin mo mother mo kng pde just for 1 day sknya mna baby mo pra ma pamper mo nmn sarili mo.. like going to salon...

Magbasa pa
4y ago

yes, ganon tlg tau mga mother ayw ntn mhiwalay ng mtgal sa baby ntin pero sympre need din ntn ng tym pra sa sarili ntn... pra ma boost uli un confidence ntn... and pra happy lht.. kaw and ur hubby...

Same with your situation before. Nakaka insecure kc ung ibang mommy ang pretty pa rin kahit my anak. Maybe thats part of being a mom ung feeling mo hndi mo na naalagaan ang sarili mo khit supportive ang hubby. But dont stress yourself its just part of being a mom. Dadaan at lilipas din yan. Just like u gnyn din ako on the first to second year of being a mother but then recently nung naiiwan at feeling ko medyo ok na ung anak ko na wala ako sa tabi nya. Ayun nag ayos ulit ako bnbalik ung dating itsura ko before mag kaanak. I can say na medyo naalis na rin ung insecurities ko. Just believe on your self mommy kaya mo yn.

Magbasa pa

separation anxiety daw ung tawag dyan sis.. kapag parang worried ka or di mapakali kapag di kasama si baby... lahat naman yata tayo nakakaranas ng ganyan pero as long as may mapagkakatiwalaan kang mag aalaga sis you need to go out.. mahirap sa umpisa dahil parang magkadugtong parin pusod naten sa anak naten pero makakabuti din sa ating isip ung mag unwind pa.minsan minsan.. ako nga 5 year old na anak ko di ko pa rin maiwan ng matagal... just a simple trip to grocery or.. basta maka labas kalang kahit 1 hour or 2 hours lang.. malaking ginhawa... trust me.. galing na ako sa ganyan hehehe you will feel alot better..

Magbasa pa

Pareho tayo ng sentiments sis.. Hahahuhu! Super ayos ko sa sarili ko dati, yung tipong head turner kahit muka akong suplada. Pero ngayon, eto nawawalan na rin ng self confidence. Although sinsabi sakin ng asawa ko na maganda at sexy pa rin ako para sa kanya. The problem is, nasa akin mismo ang problema, hindi ko pa lubusang matanggap yung drastic changes sa body ko. Dont get me wrong, wala akong pinagsisisihan sa desisyon kong mag asawa at magka anak, tulad mo sis, i just feel so disappointed in myself too kasi hindi ko na maalagaan sarili ko.

Magbasa pa
Post reply image
4y ago

No judgments mommy,I know how you exactly feel. Hugs to us❤️. Isipin na lang natin palagi na may mga cute naman tayong chikiting🙂.

hehe being stay at home moms are not for everyone I guess hehe same thoughts. mas nakaka gain Ng confidence pag my kinikita at na a accomplished ka on your own bukod sa pag aalaga Ng Bata and being a wife. hehe iba Yung feeling Ng fulfillment.. 😁 na Hindi umiikot sa anak and Asawa mo Yung Mundo mo. hehe try mo ulit sis. kausapin mo n lng husband mo regarding sa nararamdaman mo. pero syempre my consideration na sa time especially n my anak kna. maybe a small business on your own will do.. Kung ano hobby mo..

Magbasa pa
VIP Member

Hi Mommy we are all pretty, strong and powerful. imagine we bare a child and now we able to provide them the first lesson in their life kasi tayo ang first teacher nila. lately I also felt that way imagine Makeup Artist pa ang profession ko pero di ko na mismo magawa sa sarili ko pero naisip ko na lang na naenjoy ko naman na ang buhay ko nun wala pa sila ienjoy ko na lang ulit yun new chapter na kasama sila. You already appreciated by your children na di sila nabubuhay without you. Virtual hug mum

Magbasa pa

Gnyan tlga mommy tyaga tyga muna kung ano itsura ntin ngyun bwi ka nlang pag malake na baby mo, mas mgnda na sabihin na losyang ka sa pag aalaga keysa nmn sabihan ka ng npaka gnda mo nga ank mo nmn dmu maayusan😅skin ksi gnyan din ako dti dmi insecurities sa ktwan pero ngyun mindset ko dble ng losyang bsta malinis at malusog ang anak. Kdlsan po ksi ang dmi k nkikita mga magulang todo ayus todo alaga sa katwan pra dw d mtwag na losyang pero kmusthin. Mo itsura ng anak😅😅😅

Magbasa pa