??
Posible po ba makunan ang 5 months pregnant? Nagkasagutan po kasi kami ng LIP ko, sobrang nasaktan ako sa mga sinabi nya sakin tas iyak ako ng iyak hanggang sa pakiramdam ko parang sumasakit na po yung tyan ko. Nararamdaman ko parin naman ang mga galaw ni baby sa loob, natatakot lang talaga ako kasi minsan narin kasi ako nakunan eh, tas nasa malayo pa ang LIP ko walang makakatulong sakin pag may nangyari masama samin ni baby. Hindi ko lang maintindihan kung bakit nagagawa nya akong pagsalitaan ng hindi maganda kahit alam nya naman na sya yung mali. Pinamumukha nya pa sakin na hindi ko raw sya asawa at hindi ko rin daw sya pag mamay-ari, kaya sobra ako nasaktan at nalungkot. ??