Overwhelmed baby
Hi mga mamsh! My baby is at 3 months. Nagstart ako ipunta sya sa ibang lugar like pamamasyal or dalaw sa mga kamag anak and napansin ko kay baby bigla syang umiiyak ng kakaiba na hindi naman sya ganon pag nasa bahay kami. Never sya umiiyak ng ganon like parang nasaktan sya or ewan ba.. as in habang karga ko sya at okay naman sya, bigla sya iiyak ng kakaibang iyak, kasi diba alam naman natin yung normal na iyak nya pag antok, gutom o pag nasaktan.. nagtataka lang ako kasi bakit bigla sya nag gaganon pag nasa ibang lugar kami.. sabi naman sakin naover stimulate lang sya sa tao sa paligid kasi hindi sya sanay dahil nga tahimik samin at kami lang 3 ng biyenan ko at LIP ko ang magkakasama don. Meron din ba nakaexperience neto?