Palabas Lang Ng Hinanakit

Sobrang sama na ng loob ko sa lip ko mga momsh. Naalala ko non nung buntis palang ako, 6 months. may gala sya with tropa na di agad nagpaalam sakin nasa work sya non kasama nya ko. Pagdating ng tropa nya(babae) don lang nagsabi syempre ako nagtampo pero alam nyo nangyari mas pinili nya tropa nya ako hinayaan umuwi magisa. Iyak ako ng iyak non haha. Hanggang ngayon 1month na kami ni baby panay share sya ng mga babae, magpipicture ng babae na kainuman nya(opo hinahayaan ko sya maginom kasi nagsasawa na ko magbawal di naman susunod tska magkakagalit pa kami ayaw ko mastress, pero yun na nangyayari hays) tas send sa gc sabay caption "woaah" tas yung tropa nya dati na nagsundo sa kanya sa work nya nung buntis pa ko, inunfriend ko na yon sa acc nya pero nagcocomment pa din sya sa post. About sa ml yon caption ng babae, "gusto mo ba ng magandang kaduo? Or Kasabay magcoffee date?" tas comment nya "mukhang mapapaml ulit ako neto ah" ang sakit sakit sakin mga momsh😢 tas hanggang ngayon panay share padin sya ng mga babae sa fb. Yung mga pangako nya nga sakin noon na aalagaan nya daw kami ni baby di nya na nagagawa e kasi panay tutok lang sya sa phone😢 may laro kasi sya don tas kahit papano kumikita sya sa laro pang diaper ni baby. Anyway naiintindihan ko din naman sana kung may time parin sana sya samin kaso sobraspbra na pagpophone nya. Lagi pa syang galit sakin pag napapakelaman ko saglet phone kasi natatanggal daw sa laro😢 tapos kanina nagpavaccine si baby di man lang kami sinamahan kahit hanggang trike lang kasi naambon😢per9 pag bday ng or inuman ang bilis bilis nya kahit sobrang layo pa. sobrang stress na ko lagi nakong iyak ng iyak😢😢 di alam ng parents ko pati ng ate ko kasi alam nila masaya ako dito. Kasi pag nangangamusta si mama sa lip ko sasabihin ng lip ko inaalagaan kami kahit di naman masyado😢😢😢 ayoko rin kasi magsumbong samin kasi madami ng problema si mama ayoko madagdagan. Kaya dinadala ko to ng magisa. Baby ko lang talaga nagpapalakas ng loob ko ngayon. Baby ko dahilan bakit umaasa padin ako na babalik kami sa dati ng lip ko😢😢😢

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

wag kang magbulag bulagan mommy. takot kang maging single mom? aanhin mo pa ang complete family kung palpak naman ang ganyang asawa. sapat na rason ang pagkawalang time sainyo ng baby mo. Be free. mag online business ka kahit na nasa bahay ka at kasama mo ang baby mo kikita ka. wag kang umasa sa ganyang lalake. Akala niya pwede nyang gawin lahat nang gusto niya since siya naman sumusuporta ng diaper ng anak mo. hello, kaka G G yang lip mo. Pag isipan mo, dm me if you want to start a business. smile na, di ako galit. sesermon lang.

Magbasa pa

live in lng nman pala. umalis kana muna diyan. harapin mo ang problema ng head on. Tama na pavictim sis. wlang mangyayari n maganda Kung ipag sasawalng bahala mo n lng lahat Ng ngyari sayo. uwi ka sa inyo. iopen mo sa parents mo.. para matulungan ka nila. then mag hanap k trabaho at tulungan mo sarili mo.. wlang mangyayari Kung iiyak lng and mag mumukmok. aabusuhin ka lng Lalo.. balikan mo pag seryoso na sayo Yung live in mo. pag hiningi na tlga kamay mo sa magulang mo..

Magbasa pa

Omg. That’s so painful momsh! I hope you can sort things out with your partner lalu nat you have kids na together. If I were you nu? If di pa rin siya magchachange. I’ll leave that guy right away, given na sya yung father ng anak ko at di man lang kayo mabigyan ng full attention, i’ll leave for sure, but that’s for me. It’s up to you to decide pa rin. But i hope you guys should sort it out together nga, kasi kamo di na siya binata.

Magbasa pa

Bkit ka ng titiis mommy kng ngyun plang gnyan na gngwa sau kung mahalaga ka tlga sa isang tao never yn gagawa ng bagay na ikakasama ng relasyun nyo or ikakasama ng loob mo mas priority nya dpat kau na mag ina keysa sa ibng mga babae dyan dhil kau pamilya nya. Ang tunay na lalake kaya nya talikuran mga bagay na nksanayan nya pra sa maayus na pamilya

Magbasa pa

Mukhang hindi kau ang priority ng lip mo mommy.. Ung lip mo base s kwento mo is ung tipo n may responsibilidad lng as ama ng anak mo n ngpprovide ng pra s needs ni baby.. Ganun lang.. Mgfocus k n lng po ky baby mo, wag k mgpkamartir at wag k umasa n mbabalik p s dti ung lip mo..

Isipin mo nalang baby mo kaya moyan mommy para kay baby lahat ng ginagawa mo magpakatatag ka magdasal kausapin mo ang panginoon para mabawasan bigat ng loob mo and si baby lng ang tanging magbibigay ng lakas satin keep fighting Pagdasal mo na sana matauhan na yang lip mo

Ang pagiging ina gagawin lahat para sa anak, pero tandaan mo hindi ang kunsintehin o pagtiisan ang ganyang paguugali ng partner mo. Mag live-in pa lang kayo niyan pero ganyan na ugali. Mas mabuti ng maging single mom kesa makakita ka ng taong walang respeto tulad niya.

kahit gaano kaproblemado ang pamilya mo tatanggapin at tatanggapin ka prin nila.. iwan mo na yang LIP mo.. hindi pa siya kuntento sa pagkabinata niya, maawa ka sa anak mo huwag mong hayaan na ganyang klaseng ama ang kalalakihan at makikilala niya,

okay lang yan mommy, asawa ko nga dalawa kaming inuuwian buntis pako ngayon, tiis at isip lang ang paganahin natin, kapag kapangank ko iiwan ko na sya, pwede muna yan iwan mommy kase nangank kana wede kana mag work para sainyo ni baby😊

Bakit ka nagtitiis? Di mo ba kayang umalis at panindigan ang baby mo mag isa? Malinaw at harap harapan na di ka nya mahal, wala na siyang respeto sayo. Palagay ko hinihintay ka na lamg nya na kusang bumitaw

4y ago

I agree. Sorry to say but I think he thinks na palaboy lang po kayu.