GESTATIONAL DIABETES

Hello po, sino po nagka gestational diabetes dito ? Ako po kasi 32 weeks may GD daw, dalawang beses ako pinag OGTT ng OB ko kasi mataas sugar ko. Nung pangalawang OGTT ni rerefer na nya ko sa dietitian. Magkano po kaya gastos para don? Kasi sabi baka kunan ako dugo sa finger tip ehh tas baka i insulin ako. Salamat po sa sasagot.

26 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

34W na ako nung madiagnose na may GDM ako. sa public hospi ako nagpapacheck up kaya libre lang at nirefer nya ako sa IM instead na magprivate pa ako na ENDO o dietitian. wala din po ako binayaran kc po sa district hospital lang ako. sabi ng IM too late na daw para macontrol sa diet kaya pinag insulin na ako. lumapit ako sa munisipyo para makahingi ng medical assistance. at nakalibre ng isang bote ng insulin na nireseta sa akin ni Doc. at pag empty na un pwede ulit ako lumapit at makahingi. tapos bumili ako ng glucose monitoring kit (personal choice ko lang) worth 600 po online. Sa case mo mommy I suggest magfol up check up kana agad baka pwde po yan kunin sa diet. less carbs po, sugar, any drinks po na may kulay. much better kung water lang po. and wag kalimutan po more on protein para ma balance po or bumagal absorption ng katawan natin sa sugar/glucose. Kaya yan momsh! 🤗

Magbasa pa

3 beses ako nagundergo ng OGTT thank God sa third time ko na normal din. Hindi naman ganun kataas yung result ng sakin peru to make it sure nagdiet at nagmonitor ako ng sugar at food ko, kasi kapag di na control possible na maCS ka at magtake ka ng insulin. 4x a day ako nagttest ng sugar. need bumili ng glucometer, stripes & lancets. And every food na iniintake mo naka sulat para for the next day alam muna kakainin mo. Last nov.16, 2022 lng na normal ko after 1 and half month of monitoring together with my endo. Nirefer din ako sa dietician but di nko nag go nagdiet na lng talaga ako then thank god controllable pa naman sugar ko kaya continues lng sugar monitoring ko as of now 2x a day currently 37 weeks na ako team december and and due date ko ay dec.16. Wish ko mi macontrol pa sayo before ka maggive birth para may possible na magnormal delivery.🙏 Stay safe and healthy mi.

Magbasa pa
2y ago

kayang kaya mo yan mi. 🙏

36 weeks pregnant. Diagnosed ako ng gdm at 23 weeks controlled sugar pa by diet hanggang 28 weeks pero as per my endo magstart na kmi mag insulin kaya parang 30 weeks ata nagstart ako mag insulin, tho okay naman size and weight ni baby for safety precaution na lang talaga. Mababa lang dosage ko every night 10 units ng levemir, from 4x a day na sugar monitoring naging 2x na lang madalang magkaspike pero may pailan ilan pa din na tumataas. For me wag ka matakot sa insulin kasi mas safe kayo ni baby kesa wala kayong tinetake pangcontrol ng sugar, as per my ob pinaka the best option yung insulin pero if kaya naman ng diet ede go mas maganda. For schedule cs na ako ng saturday, pwede ako magnormal pero personal choice na lang namin ng husband ko na pacs ako. Wag ka mag overthink, makipag coordinate ka lang sa ob mo, endo or dietician if ano magwowork sayo 😊

Magbasa pa

Had gdm during my 2 pregnancies. My first (twins) resulted to stillbirth due to elevated BS. I just gave birth to our rainbow baby last Sept 30. About sa dietician, you can go to a public hospital Libre Lang. Regarding sa pag inject ng insulin, I'd agree sa isang mommy na it's a safer choice plus hindi mo need masyadong mag limit sa food intake which means you get to enjoy your pregnancy pa din. Pricking your finger everyday and injecting insulin are nothing compared to knowing that your baby is growing well in your womb. If hindi nmn maselan magbuntis, do light exercises. Walking can help para macontrol ang BS, never skip a meal kasi mas lalo syang magsspike. Cheat if you have to. Most importantly, iwas stress. Have a happy pregnancy. These helped me. Join ka din sa gestational diabetes ph group sa fb madami kang matututunan.

Magbasa pa
VIP Member

Depende sa dietician. Yung dietician ko 1200 ang prof fee. Pero hindi sya ang mag aadvise sayo if kelangan mo ng sugar monitoring everyday. Dapat nirefer ka din ng ob mo sa endo. Endo ang nagdedecide if kelangan mo na ng insulin based din sa mga lab tests mo. Dietician kasi tuturuan ka lang nyan ng proper food intake pero hindi magpapagawa ng lab tests. Magpa check up ka sa endo mi. Magastos magka diabetes mi. Ako from the start ng pregnancy diabetic na so buong pregnancy ko nag momonitor ako sugar 4x a day. Yung testing strips ko nasa 920 good for 7 days. Iba pa yung lancet (needle) pang kuha ng dugo sa finger tip and of course bibilhin mo din glucometer. 2 brand ng insulin ko na good for less than a month isa. Then bibili k p needle para sa insulin.

Magbasa pa

same..nerefer ako sa endo, kaso psaway ako,d ako ngpunta. nag strict diet nlng ako and monitor lng dn ginawa ko. takot kc mg insulin.. 2x akong natest ng ogtt, sa una normal fbs, normal 1st hr, mtaas ang 2nd hr. sa 2nd test after a month, normal fbs, mtaas nmn ang 1st and 2nd hr. ginawa ko, tnuloy2loy ko prn yng strict diet ko..halfrice,no kain ng sweets.puro mtabang.wlang inom ng gatas dn.puro tubig lng dn.. after a month again, 8mos nko nito, pnag-HbA1C ako ni dra ob.aun normal result ko.. ang normal range is 4-6, ang result ko is 4.6. sbi tuloy ni ob skn, ginalingan ko dw msyado.ptaba dw ako.at pwd nko mg1rice. . 😅 ngaun mag36wks nrn ako.. 😇 praying to all mom na safe ang pgbbuntis & healthy ang baby ntin.. 🙏🙏🙏

Magbasa pa

dati 300 bayad ko sa dietician, sasabihin lang naman anu dapat kainin, minsan bigyan ka meal plans. minsan lang ako nagpunta dinaku bumalik. pinag insulin din ako ng endo na namamanage ng diabetes ko.. iyon na lang tinuloy2 ko mejo magastos pag nag insulin --- insulin vial nasa 600+ (glysulin) pinkamaura na yata to sa nireseta sakin, bili pa ng syringe nasa 120 per pack/10pcs, buti kung once a day lang.. tapos magmomonitor pa ng sugar at gagamit ng test strips plus lancet depende din kung ilan beses sa isang araw monitoring.. if wala ka pa glucometer pangmonitor ng sugar at home, nasa 1500+ din ang set depende sa brand...

Magbasa pa

mamiii AKO mataas ang FBS KO Nung Una po.. Kaya early ako na pinag ogtt mga 10 Lang ata preparation KO para ma normal sugar KO.. ang ginawa KO mii no sweats AKO less carbs.. ang corn rice ang kinain KO instead of White rice.. then nag exercise AKO Ng mild Yung papawisan Ka po regular KO ginawa lahat Ng bawal d AKO kumain and NAG OKRA WATER AKO FOR 10 DAYS MIII effective sya SA akin normal na pag after Ng ogtt KO I bad nyu po ng 24 hrs or 8 hrs Yung okra na pinag slice tapos inumin nyu po Yung water or extract nya Sana maka help mi

Magbasa pa
2y ago

Gawin ko po ung okra 🤗🤗

ok yan mi mas maganda nga kung marefer ka sa Endo e at magpa maintain ng diet sa dietitian.. ganyan ako e 2nd tri pa ngalang diagnosed na ko GDM so far di na ko nag insulin .. controlled na sa diet ko yung sugar ko at last year pa yan nanganak ako ng Feb 2022 na safe kami both ni baby... goodluck mommy kaya mo yan🥰 Sundin mo lang ang diet na ibibigay sayo monitoring din ka Nyan ng bloodsugar kaya bibili ka talaga ng sarili mong glucotest.. pray ka palagi..

Magbasa pa

Hi sis! im 32weeks now may gd din ako,ni refer ako ni ob sa IM-Endo, then gusto ng endo turukan ako ng insulin.. hindi ako pumayag, i ask the dr. kung pede i monintor muna ang blood sugar ko,then pumayag naman sya,then ni refer nya ako sa nutritionist/dietrician for my balance diet para macontrol ang pagtaas ng sugar level ng katawan.. so far mababa na ang blood sugar ko.. kaya proper diet lang po mami

Magbasa pa