GESTATIONAL DIABETES

Hello po, sino po nagka gestational diabetes dito ? Ako po kasi 32 weeks may GD daw, dalawang beses ako pinag OGTT ng OB ko kasi mataas sugar ko. Nung pangalawang OGTT ni rerefer na nya ko sa dietitian. Magkano po kaya gastos para don? Kasi sabi baka kunan ako dugo sa finger tip ehh tas baka i insulin ako. Salamat po sa sasagot.

26 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

dati 300 bayad ko sa dietician, sasabihin lang naman anu dapat kainin, minsan bigyan ka meal plans. minsan lang ako nagpunta dinaku bumalik. pinag insulin din ako ng endo na namamanage ng diabetes ko.. iyon na lang tinuloy2 ko mejo magastos pag nag insulin --- insulin vial nasa 600+ (glysulin) pinkamaura na yata to sa nireseta sakin, bili pa ng syringe nasa 120 per pack/10pcs, buti kung once a day lang.. tapos magmomonitor pa ng sugar at gagamit ng test strips plus lancet depende din kung ilan beses sa isang araw monitoring.. if wala ka pa glucometer pangmonitor ng sugar at home, nasa 1500+ din ang set depende sa brand...

Magbasa pa