GESTATIONAL DIABETES

Hello po, sino po nagka gestational diabetes dito ? Ako po kasi 32 weeks may GD daw, dalawang beses ako pinag OGTT ng OB ko kasi mataas sugar ko. Nung pangalawang OGTT ni rerefer na nya ko sa dietitian. Magkano po kaya gastos para don? Kasi sabi baka kunan ako dugo sa finger tip ehh tas baka i insulin ako. Salamat po sa sasagot.

26 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

3 beses ako nagundergo ng OGTT thank God sa third time ko na normal din. Hindi naman ganun kataas yung result ng sakin peru to make it sure nagdiet at nagmonitor ako ng sugar at food ko, kasi kapag di na control possible na maCS ka at magtake ka ng insulin. 4x a day ako nagttest ng sugar. need bumili ng glucometer, stripes & lancets. And every food na iniintake mo naka sulat para for the next day alam muna kakainin mo. Last nov.16, 2022 lng na normal ko after 1 and half month of monitoring together with my endo. Nirefer din ako sa dietician but di nko nag go nagdiet na lng talaga ako then thank god controllable pa naman sugar ko kaya continues lng sugar monitoring ko as of now 2x a day currently 37 weeks na ako team december and and due date ko ay dec.16. Wish ko mi macontrol pa sayo before ka maggive birth para may possible na magnormal delivery.🙏 Stay safe and healthy mi.

Magbasa pa
3y ago

kayang kaya mo yan mi. 🙏