GESTATIONAL DIABETES

Hello po, sino po nagka gestational diabetes dito ? Ako po kasi 32 weeks may GD daw, dalawang beses ako pinag OGTT ng OB ko kasi mataas sugar ko. Nung pangalawang OGTT ni rerefer na nya ko sa dietitian. Magkano po kaya gastos para don? Kasi sabi baka kunan ako dugo sa finger tip ehh tas baka i insulin ako. Salamat po sa sasagot.

26 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Depende sa dietician. Yung dietician ko 1200 ang prof fee. Pero hindi sya ang mag aadvise sayo if kelangan mo ng sugar monitoring everyday. Dapat nirefer ka din ng ob mo sa endo. Endo ang nagdedecide if kelangan mo na ng insulin based din sa mga lab tests mo. Dietician kasi tuturuan ka lang nyan ng proper food intake pero hindi magpapagawa ng lab tests. Magpa check up ka sa endo mi. Magastos magka diabetes mi. Ako from the start ng pregnancy diabetic na so buong pregnancy ko nag momonitor ako sugar 4x a day. Yung testing strips ko nasa 920 good for 7 days. Iba pa yung lancet (needle) pang kuha ng dugo sa finger tip and of course bibilhin mo din glucometer. 2 brand ng insulin ko na good for less than a month isa. Then bibili k p needle para sa insulin.

Magbasa pa