GESTATIONAL DIABETES

Hello po, sino po nagka gestational diabetes dito ? Ako po kasi 32 weeks may GD daw, dalawang beses ako pinag OGTT ng OB ko kasi mataas sugar ko. Nung pangalawang OGTT ni rerefer na nya ko sa dietitian. Magkano po kaya gastos para don? Kasi sabi baka kunan ako dugo sa finger tip ehh tas baka i insulin ako. Salamat po sa sasagot.

26 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

36 weeks pregnant. Diagnosed ako ng gdm at 23 weeks controlled sugar pa by diet hanggang 28 weeks pero as per my endo magstart na kmi mag insulin kaya parang 30 weeks ata nagstart ako mag insulin, tho okay naman size and weight ni baby for safety precaution na lang talaga. Mababa lang dosage ko every night 10 units ng levemir, from 4x a day na sugar monitoring naging 2x na lang madalang magkaspike pero may pailan ilan pa din na tumataas. For me wag ka matakot sa insulin kasi mas safe kayo ni baby kesa wala kayong tinetake pangcontrol ng sugar, as per my ob pinaka the best option yung insulin pero if kaya naman ng diet ede go mas maganda. For schedule cs na ako ng saturday, pwede ako magnormal pero personal choice na lang namin ng husband ko na pacs ako. Wag ka mag overthink, makipag coordinate ka lang sa ob mo, endo or dietician if ano magwowork sayo 😊

Magbasa pa