GESTATIONAL DIABETES

Hello po, sino po nagka gestational diabetes dito ? Ako po kasi 32 weeks may GD daw, dalawang beses ako pinag OGTT ng OB ko kasi mataas sugar ko. Nung pangalawang OGTT ni rerefer na nya ko sa dietitian. Magkano po kaya gastos para don? Kasi sabi baka kunan ako dugo sa finger tip ehh tas baka i insulin ako. Salamat po sa sasagot.

26 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

34W na ako nung madiagnose na may GDM ako. sa public hospi ako nagpapacheck up kaya libre lang at nirefer nya ako sa IM instead na magprivate pa ako na ENDO o dietitian. wala din po ako binayaran kc po sa district hospital lang ako. sabi ng IM too late na daw para macontrol sa diet kaya pinag insulin na ako. lumapit ako sa munisipyo para makahingi ng medical assistance. at nakalibre ng isang bote ng insulin na nireseta sa akin ni Doc. at pag empty na un pwede ulit ako lumapit at makahingi. tapos bumili ako ng glucose monitoring kit (personal choice ko lang) worth 600 po online. Sa case mo mommy I suggest magfol up check up kana agad baka pwde po yan kunin sa diet. less carbs po, sugar, any drinks po na may kulay. much better kung water lang po. and wag kalimutan po more on protein para ma balance po or bumagal absorption ng katawan natin sa sugar/glucose. Kaya yan momsh! 🤗

Magbasa pa