Nasa inyo po kung kakayanin mo parin magstay sa work hanggang sa manganak ka. Makakaavail ka parin naman ng mat ben kahit resign ka na. Pwedeng ipaprocess mo sa hr nyo yung maternity notification habang nasa work ka pa, pwede din after mo magresign. Ako kasi separated din ako nung august at nagfile ako mismo sa sss ng mat notif/ MAT1. Ang pagkakaiba nga lang pag employed ka hanggang sa manganak ka, yung benefits iaadvance na yun ng company meaning ibibigay na ni company yung pera kahit hindi ka pa nanganganak. Kapag naman separated ka or voluntary, after mo pa manganak mapaprocess yung Mat Reimbursement/MAT2. Meron ka parin kelangang kunin sa company mo na documents para maaproved ang MAT2 mo. Kaya medyo maraming proseso kapag separated or voluntary ka na kasya kapag employed ka kasi si company na bahalang magprocess lahat ng maternity mo sa sss.
Private company ka ba? Depende po yon sa contribution mo sa sss. Kapag nagresign kana ng di kapa nakakaanak, sa tingin ko wala ka makukuwa. Pero kapag hindi pa at nagstay ka magwork makakakuwa ka. Unless mag sickleave ka, diretso malapit na sa due date mo. Kapag nagresign ka naman pede ka magvoluntary payment sa sss para my makuwa after mo manganak